Hinaharap sa 2006
January 2, 2006 | 12:00am
ANO ang binabadya ng 2006? Hindi na kailangang bumasa ng baraha o bolang kristal o ng feng shui para malaman ang hinaharap. Bagamat ang Year of the Red Fire Dog ay nagsasaad ng katahimikan, asahan nating gulo ang sasapitin ng bansa sa unang sigwa ng taon.
Nagwakas ang 2005 sa political stalemate. Winasak ng Oposisyon ang kredibilidad ni Presidente Gloria Arroyo. Dahil sa "Hello Garci" CDs, 80% ng Pilipino ay naniniwala na nandaya siya sa 2004 eleksiyon, at 60% ang nagsasabing dapat siyang magbitiw. Dahil sa iba pang paratang, may suspetsang sangkot ang unang pamilya sa jueteng at fertilizer scam. Ganunpaman, nasa puwesto pa rin si GMA. At lumalakas pa ang kapit. Sa kasabihang Tsino, "ang hindi papatay sa iyo ay magpapasigla sa iyo."
At dahil sa stalemate, talo ang Oposisyon nung 2005. Sa boxing man o sa chess, kapag tabla ang laro, nananatili ang korona sa kampeon dahil hindi nagpakita ng gilas ang humamon. Sa kasabihang Tagalog, tabla-talo.
At dahil gigil pa rin ang natalong Oposisyon, itutuloy nila ang laban sa 2006. Asahang bubuhayin ang mga lumang paratang: Ang Northrail at Presidents Bridges Program. Pero dahil hindi nila idudulog ang mga kaso sa korte, kundi sa media lang, matatalo na naman ang Oposisyon. Siraan pa nila lalo ang imahe ni GMA, hanggang dun na lang sila. Magkakatotoo ang Chinese horoscope na ang Year of the Dog ay pabor sa mga isinilang sa Year of the Pig tulad ni GMA.
Magsasawa na ang madla sa ngawngaw ng Oposisyon. Mababatid na ganid lang sila sa poder kaya binabatikos si GMA sa media imbis na ihabla ang mga umanoy kasangkot sa katiwalian (immune sa habla ang Presidente). Ipapasya ng taumbayan na maghanap-buhay at magnegosyo na lang imbis na magpadala sa miyat-miyang pakulo ng Oposisyon na agawin ang kapangyarihan.
Nakakagulo sa buhay ng karaniwang tao ang away-pulitika. Pero maari rin ito dedmahin, ika nga. Kahit sino man ang nasa Administrasyon o sa Oposisyon, maari isulong ang kapakanan ng isat-isa. Basta bantayan lang ang mga politico dahil malikot ang kamay ng magkabilang panig. Yan ang tandaan sa 2006: Babangon tayo miski manggulo ang elitista.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am