^

PSN Opinyon

Mayor Atienza may basbas mo ba ang saklaan ni Ponga Jr.?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KAYA pala untouchable si Malabon sakla king Luis Ponga Jr. sa kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza eh aabot pala sa P135,000 ang intelihensiya niya bawat linggo. Ang balitang nakarating sa akin, Mayor Atienza, P80,000 dito ang napupunta sa matataas na opisyales ng Manila Police District (MPD) at ang natitira ay sa presinto ng pulisya. At hindi nagkamali si Ponga sa nilapitan niyang kapitan o major dahil hindi matinag-tinag ang kanyang saklaan kahit masyadong delantera na ang mga puwesto nito at karamihan ay sa kalye pa. Iba talaga ang lakas ng pera ni Ponga, di ba Mayor Atienza Sir? Kaya sa panahon sa ngayon na sarado ang jueteng, aba maraming Manilenyo ang nahihikayat na tumaya sa saklaan ni Ponga at walang keber ang taga-MPD basta may laman lang ang kanilang bulsa, di ba mga suki? He-he-he!

Kailan kaya magigising sina Mayor Atienza at NCRPO chief Dir. Vidal Querol sa problemang dulot ng saklaan ni Ponga? Tiyak tataas na naman ang crime rate ng Maynila n’yan dahil saan ba kukuha ng pantaya ang mga mahihirap nating kababayan eh di sa krimen dahil wala namang ibinibigay na trabaho sa kanila si Mayor Atienza.

May tumawag sa akin at sinabing si Ponga pala ay naka-base sa Barangay Concepcion sa Malabon. Siya na ang hari ng sakla sa kaharian ni Mayor Canuto Oreta dahil nabaklas niya ang mga puwesto ni Aging. Kung hindi matinag-tinag ng pulisya ng Malabon si Ponga dahil sa kapit niya kay Mayor Oreta, ganun na rin ang nangyayari sa Maynila. May kasagutan kaya ang MPD dito?

Para sa kaalaman ni Mayor Atienza, isang alyas Tarok ang bata ni Ponga sa namamahala ng saklaan niya sa kanto ng Wagas at Zaragoza sa Tondo na sakop ng PS2. Isasama ko na ang mga puwesto ni Ponga sa Kagitingan, Asuncio, Herbosa at Varona St’s. sa Tondo rin pero sakop naman ng PS1. Ang sakla patay naman si Ponga ay sa Sto. Cristo, Elcano at sa kahabaan ng C.M. Recto na sakop ng Tondo sa puwesto ng PS2 at sa Planas St., sa C.M. Recto rin pero sakop naman ng Binondo. Ang intelihensiya ni Ponga Jr. sa PS2 ay P2,500 kada butas samantalang P1,500 naman ang para sa PS1, anang kausap ko sa MPD. Iilan pa lang sa mga puwesto ni Ponga Jr. na iniabot ng kausap ko sa MPD at sa susunod na mga araw ay dadagdagan ko pa Mayor Atienza Sir.

‘‘Lagom’’ ang intelihensiya ni Ponga Jr., sa Maynila kaya’t may posibilidad na ganu’n na rin ang kalakaran niya sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame maging sa NCR office nito at sa Maynila, di ba mga suki? At hindi rin ako magtataka kung pati ang opisina ni Querol ay nabahaginan na rin ng grasya ni Ponga, di ba mga suki? Kaya sa pagsara ng jueteng, nakangiti pa rin ang mga opisyales ng MPD, NCRPO at CIDG dahil sa kinang ng lingguhang intelihensiya ni Ponga Jr., di ba Mayor Atienza Sir? Puwede kong isama na diyan ang DILG at GAB, di ba mga suki?

Hanggang kailan ang buwenas ni Ponga Jr. sa kaharian ni Atienza? May basbas kaya ni Atienza ang saklaan ni Ponga Jr.? Ang kasagutan ni Mayor Atienza mga suki ay sa darating na mga araw na.

Abangan!

ATIENZA

BARANGAY CONCEPCION

MALABON

MAYNILA

MAYOR

MAYOR ATIENZA

MAYOR ATIENZA SIR

PONGA

PONGA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with