^

PSN Opinyon

Kasong pang-aabuso sa kabayan sa Saudi

SAPOL - Jarius Bondoc -
"ATE Jean, tulungan po sana ako dahil napakahirap ng kinalalagyan namin. Marami kami dito, at iyong iba raw dito ay matagal na dito, at di pa makauwi. May mga kasamahan pa kami na tatlo na naiwan doon sa Al-Khobar, sa bahay ni Fred Davila na Welfare Officer. Dinala kami roon ng driver niya na si Coco Jurado. Si Coco rin ang humalay sa akin, at ang pangako niya ay ibibili raw ako ng tiket para makauwi sa Pinas. Pero wala rin. Itong dalawa na ito ang hayop sa laman. Siguro, Ate, ay matagal na nila ginagawa ito. Kasi, ‘yung tatlo naming kasama na medyo magaganda ay hindi nila dinala dito sa SSWA. Halos gabi-gabi ay nawawala ‘yung mga kasamahan naming magaganda at bata pa. Nakakadiri pala ang mga officer na iyan ng embahada natin, at sayang ang posisyon nila dito. Akala ng iba ay nakakatulong sila, pero ang totoo pala ay mga hayop sila. Mga rapist sila, Ate. Wala silang pinapalampas na mga takas. Lahat ay ginagalaw nila at pagkatapos ay ibenta sa Arabo. Kadiri sila, Ate Jean. – Elvira Romulo."

Ang sulat na ‘yan ay natanggap ng President ng Muslim-Christian Organization ng OFWs sa Eastern Province ng Saudi Arabia. (Binago ko lang ang mga pangalan ng Welfare Officer, driver, at may-akda habang iniimbestigahan pa ang kaso.) Nag-usisa ang MCO President, at napag-alamang may kuwarto sa roof deck ng isang gusali sa Al-Khobar kung saan dinadala ang mga Pilipinang tumatakas mula sa mapang-aping amo. Ang gusali ay nasa harap ng isang iskuwelahan ng mga batang Pilipino. Doo’y hinahalay sila ng mga dapat taga-tulong, at pagkatapos ay ibinebenta sila sa mga Arabo para panandaliang aliw.

Marami nang mga ganyang kuwentong nagmumula sa Middle East. Ang mga empleyado mismo ng mga embahada ang nangunguna sa pang-aabuso sa mga kababayan. May mga gumagamit pa nga ng embassy para front sa pagtinda ng alak at shabu, smuggling, at pangongotong sa OFWs.

Umabot na kay Ambassador Bahnarim Guinomla ang sulat ni Elvira at sinisiyasat na ito ni Labor Attaché Delmer Cruz. Sana, may ibunga.

AL-KHOBAR

AMBASSADOR BAHNARIM GUINOMLA

ARABO

ATE JEAN

COCO JURADO

DELMER CRUZ

EASTERN PROVINCE

ELVIRA ROMULO

WELFARE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with