Tuloy ang ligaya ng sakla king na si Ponga
December 18, 2005 | 12:00am
NAGTIKLUPAN pansamantala ang saklaan ni Luis Ponga Jr. sa kahabaan ng Divisoria sa Maynila matapos magsagawa roon ng inspection ng security preparations sa Christmas si NCRPO chief Dir. Vidal Querol noong nakaraang linggo. Subalit matapos lumagpas ang puwet ni Querol nagbalikan na naman ang mga saklaan sa halos kanto ng Divisoria na sakop ng Station 1 at 2 ng Manila Police District (MPD) at tuloy na naman ang kaligayahan ni Ponga Jr. Pansamantala lang naunsiyami ang illegal na negosyo ni Ponga Jr. di ba mga suki?
Para sa kaalaman ni Manila Mayor Lito Atienza at Querol, kaya pala hindi kayang patigilin ng mga bataan nila ang saklaan ni Ponga Jr. eh tumataginting na P100,000 ang intelihensiya niya sa kabuuan ng MPD kada linggo. Kaya pala nakangiti sa ngayon ang taga-MPD kahit sarado pa ang jueteng eh napunuan ni Ponga Jr., ang kakulangan nila, he-he-he! Mautak talaga ang taga-MPD, no mga suki?
Sino si Ponga Jr.? Buweno, ayon sa mga kausap ko sa MPD, si Ponga Jr., ang hari ng sakla sa ngayon sa kaharian ni Malabon Mayor Tito Oreta at sa Navotas.
Kapag nalingat nga si alyas Lucy, baka pati sa Caloocan City ay pasukin na rin ang balwarte niya ni Ponga Jr. Kasi nga, ayon pa sa kausap ko sa MPD, si Ponga Jr. ang nagpasara ng saklaan ni Aging, na matagal ding naging hari ng pasugalan sa siyudad ni Oreta at sa Navotas.
Ang ginawa kasi ni Ponga Jr., pinataasan niya ang intelihensiya ng saklaan niya na hindi naman naabot ni Aging hanggang tuluyan siyang magsara. At dahil sa magandang bigay niya sa kapulisan ng Malabon at Navotas, matining na ang negosyo ni Ponga Jr. sa kaharian ni Oreta at sa Navotas. Ika nga wala nang balakid sa illegal na negosyo ni Ponga Jr., sa Malabon at Navotas. Paging Gen. Querol Sir? Huwag mo namang sabihin na pati ikaw ay nasubuan na rin ng intelihensiya ni Ponga Jr? He-he-he! Sino ba sa hanay ng kapulisan natin ang tumatanggi sa grasya sa ngayon?
Noong una sakla-patay lang ang pinasok na negosyo ni Ponga Jr. sa kaharian ni Mayor Atienza. Nagsara ito pansamantala kamakailan dahil sa birada natin subalit matapos ang ilang araw na katahimikan, nagsulputang muli ang saklaan nga sa mga kalye sa Divisoria. Eh kung abot-langit ba naman ang intelihensiya ng ibinibigay niya, sino pa ang tatanggi niyan? Kaya halos mabubulok na ang mga patay na gamit ni Ponga Jr. eh hindi pa nila maililibing dahil malakas ang kita nila roon. Pero nitong Kapaskuhan, kahit walang patay na eh nakalatag pa rin ang saklaan ni Ponga Jr., sa mga kanto ng Divisoria kayat nadoble ang trapik doon. Kung sa tingin ni Querol, malinis ang Divisoria nang dumaan siya roon minsan, bumalik siya na walang coordination sa MPD at tiyak maluluha siya sa kanyang makikita. Kung hindi man mga vendor ang nakaharang sa daraanan niya, tiyak kasama rito ang mga saklaan ni Ponga Jr. At bakit tahimik ang City Hall detachment ni Mayor Atienza. May parating din kaya sa kanila si Ponga Jr.? Ang reklamo naman ng mga residente roon, dahil sa saklaan ni Ponga Jr., lalong nalululong sa sugal ang kanilang mga anak. Paano na lang ang kinabukasan ng kanilang mga anak kung ayaw kumilos nitong sina Atienza at Querol laban kay Ponga Jr.? Tanong ng mga magulang. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended