Nagbago ba ang Disyembre?
December 4, 2005 | 12:00am
Disyembre nay bakit kaya
Parang wala na ang Pasko,
X-mas carol na masigla
Di rin marinig sa radyo;
Samantalang noong unang
Ang panahon ay ganito
Sa lahat ng dako natin
Masaya ang mga tao!
Sa bintanay wala pa ring
Mga parol na nagsabit,
Maniningning na Christmas light
Kokonti ang namamasid;
Disyembre nay bakit kaya
Walang hamog na malamig
At wari bang nagtatampo
Kagandahan ng paligid?
Dati rati kung ganitong
Sumasapit ang Disyembre
Sa tahanay umiilaw
Makukulay na Christmas tree
Ang dalaga at binatay
Nagsisimba nang palagi
Umaasang ang kasalan
Sa Pasko ng Batang Hari!
Ano pa nga at naglaho
Magagandang pangitain,
Ay dapat na nakikita
Pagkat Pasko ay darating?
Mga prutas na sagana
Masasarap na pagkain
Pati amoy ng pinipig
Wala na rin sa bukirin!
Ang malamig na panahon
Ay hindi pa bumabalot,
Papasko nay malabo pa
Ang hintay na Christmas bonus;
Ang Disyembrey nagbago nga
Kaya hindi natin talos -
Sasapit na Bagong Taon
Kung masaya o malungkot?
Parang wala na ang Pasko,
X-mas carol na masigla
Di rin marinig sa radyo;
Samantalang noong unang
Ang panahon ay ganito
Sa lahat ng dako natin
Masaya ang mga tao!
Sa bintanay wala pa ring
Mga parol na nagsabit,
Maniningning na Christmas light
Kokonti ang namamasid;
Disyembre nay bakit kaya
Walang hamog na malamig
At wari bang nagtatampo
Kagandahan ng paligid?
Dati rati kung ganitong
Sumasapit ang Disyembre
Sa tahanay umiilaw
Makukulay na Christmas tree
Ang dalaga at binatay
Nagsisimba nang palagi
Umaasang ang kasalan
Sa Pasko ng Batang Hari!
Ano pa nga at naglaho
Magagandang pangitain,
Ay dapat na nakikita
Pagkat Pasko ay darating?
Mga prutas na sagana
Masasarap na pagkain
Pati amoy ng pinipig
Wala na rin sa bukirin!
Ang malamig na panahon
Ay hindi pa bumabalot,
Papasko nay malabo pa
Ang hintay na Christmas bonus;
Ang Disyembrey nagbago nga
Kaya hindi natin talos -
Sasapit na Bagong Taon
Kung masaya o malungkot?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest