^

PSN Opinyon

Balat, apektado ng paninigarilyo

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
TINALAKAY kamakailan ng BANTAY KAPWA na ang paninigarilyo ay nakakabaog sa kalalakihan. Dahil sa nicotine ng sigarilyo kaya humihina ang sperm cells ng lalaki at kaagad na naglalaho bago pa masalubong ang egg cells habang nagtatalik. Dahil din sa paninigarilyo kaya nasisira ang balat.

Ayon sa leading dermatologist na si Dr. Grace Palacio-Beltran ng Saint Luke’s Medical Center ang collagen ay mahalagang elemento sa balat ng tao ay nasisira dahil sa paninigarilyo. Dahil nga sa nikotina, nagdudulot ito ng pinsala sa balat gaya ng maagang pagluwag ng balat kaya hindi pa matanda ay nagmumukhang matanda na.

Sinabi ni Dr. Beltran na mahalagang pangalagaan ang balat na isa sa pangunahing aktrasiyon sa alindog ng babae. Matatandaan na sa nakaraang Miss Earth contest na ginanap sa Pilipinas nangingibabaw ang kariktan ng mga kandidatang flawless. Bukod sa kanyang matatamis na ngiti, malaking puhunan din ng ating Miss International 2005 na si Precious Lara ang pagkakaroon ng magandang kutis.

AYON

BUKOD

DAHIL

DR. BELTRAN

DR. GRACE PALACIO-BELTRAN

MEDICAL CENTER

MISS EARTH

MISS INTERNATIONAL

PRECIOUS LARA

SAINT LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with