^

PSN Opinyon

Paninigarilyo sa Davao City

SAPOL - Jarius Bondoc -
DAVAO City – Sino’ng may sabi na ayaw tumira ng smokers dito? Labis ang atraksiyon ng Davao – masiglang ekonomiya, murang pamumuhay, katahimikan – para itakwil ito ng pinaka-masusugid ng manghihithit ng tobacco. Tinitiis nila ang hirap ng pagsindi ng istik, para lang ma-enjoy ang mga tanawin, kakanin at kultura ng pinaka-magandang siyudad sa Pilipinas at ika-16 sa Asya.

Kung mahigpit sa paninigarilyo sa Makati o Mandaluyong, mas lalo sa Davao. Sa naunang dalawang siyudad sa Kamaynilaan, bawal magsindi sa loob ng pampublikong pook, maliban lang kung nasa open-air area. Sa Davao, miski nasa labas ng gusali o restoran o simbahan, bawal pa rin, maliban lang kung merong designated smoking area ng aprubado ng city hall. Miski sa loob ng sariling kotse o sa kalsada, bawal basta may ibang taong makakasinghot ng second-hand smoke.

Pabor ito sa mga bata’t matatanda. Pabor din ito sa smokers dahil, sa hirap ng paghanap ng lugar ng paghihititan, nababawasan ang pagyoyosi. Ayaw nilang mahuli ng pulis; malaki ang multa sa maninigarilyo at sa may-ari ng establishment na pumayag dito. Nadidisiplina tuloy sila.

Humihigpit na ang mga gobyerno laban sa paninigarilyo. Sa Ireland at Norway, bawal magsindi sa loob ng anomang gusali – miski sa bars at nightclubs. Isang taon mula ipinatupad ito nu’ng Hunyo 2004, ipina-test ang mga empleyado sa mga gan’ung lugar. Bumagsak ang nicotine levels nang 90% sa ihi nila, nagsisigarilyo man o hindi. Ang alikabok sa mga establishments, bumaba rin sa 75 milligrams mula 250 milligrams per cubic meter. Sa madaling salita, sumigla sila at luminis ang workplace.

Sa U.S., sampu sa 50 states ang nagbawal na rin ng paghitit sa loob ng gusali. Gan’un din ang maraming siyudad tulad ng Los Angeles at New York. Sa Chicago headquarters nga ng Leo Burnett advertising agency, na gumawa ng Marlboro Man, bawal rin magsindi maliban sa isang kuwarto.

vuukle comment

DAVAO

LEO BURNETT

LOS ANGELES

MARLBORO MAN

NEW YORK

PABOR

SA CHICAGO

SA DAVAO

SA IRELAND

SA U

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with