Kalakaran na ang pagpapatalsik sa nakaupong Presidente
November 5, 2005 | 12:00am
PATULOY ang rambolan ng mga pulitiko na lalong nagpapagulo sa bansa. Walang magandang balita na gaganda na ang takbo ng Pilipinas. Parati na lamang ang bangayan at siraan ng mga taong iniluklok ng taumbayan. Pinasusuweldo sila ng taumbayan pero ang pagbabangayan ang inaatupag.
Ang mga nasa hanay ng oposisyon ay wala nang ginawa kundi ang maghanap ng butas sa administrasyon. Komo nasa oposisyon sila, kailangang parati nilang salungatin ang lahat ng ginagawa ng mga nasa administrasyon upang bumagsak at nang sa ganoon ay muli na namang makabalik sila sa kapangyarihan.
"Weather-weather" lamang ang mga pulitiko dito sa Pilipinas. Maaaring nasa labas ng kulambo ngayon pero bukas e nasa loob naman. Kaya walang tigil ang mga nasa labas para pabagsakin ang mga nasa loob para sila sila naman ang makapasok sa loob.
Hindi mapakali ang mga pulitiko lalo na ang mga natalo. Alumpihit upang makabalik sa poder. Kapapanalo pa lamang ang kalaban, nais nang pabagsakin sa pamamagitan ng people power o impeachment.
Nagiging kalakaran na ang pagpapatalsik sa nakaupong Presidente. Kung malinis at maliwanag ang patakaran, walang kinikilingan at alinsunod sa batas ng tao at Diyos ang pagpapatupad, sinong pulitiko ang maglalakas-loob na sumalungat sa ganitong pamamalakad. Walang tigil na binabato ng putik si GMA. Hindi ko alam kung ito ay makatuwiran.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended