^

PSN Opinyon

Baho sa NAIA sumingaw

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SANGKATERBANG mga officials sa NAIA ang nanginginig sa takot ngayon dahil sa pagpasok ng isang Japanese nationals na sinasabing may case na rape sa isang province sa Central Luzon.

Mahigit sa 12 million Japanese Yen ang bitbit ni Shigero Kaneko, ng dumating toits sa NAIA Terminal I kamakalawa ng gabi sakay ng Japan Airlines flight-JL 745 from Narita.

Nasa talaan ng watchlist si Kaneko dahil may reklamo against sa kanya ang isang bebot.

Si Ogata Kazuo, isa ring Japanese national ang sumundo kay Kaneko sa loob ng arrival area dahil may access pass toits para makasokpa sa paliparan.

Isang Lt. Peter ng PDEA ang nag-request ng arrival pass para makapasok sa paliparan si Ogata. Pinayagang makapasok sa Pinas si Kaneko ng mga taga-BI pero pinaiwanan todits ang kanyang Japanese passport.

Nang lumabas na sina Kaneko at Ogata kasama ang ilang atsoy este mali lespu pala ay pinigil sila ng mga taga-Bureau of Customs dahil hindi dineklara ni Kaneko ang kanyang dalang million na pitsa sa ipinakitang BoC declaration form.

Paglabag daw ito sa itinadhana ng butas este mali batas pala ng Bangko Sentral ng Pilipinas Circular Number 308 at Section 2505 ng Taripa sabi ng taga-Customs.

Pero ilang saglit lang ay nakalabas din ng airport ang mga Hapones sa dehins malaman dahilan at sa Lunes (November 7) na lamang sila pinareresbak ni Dennis de Mesa, officer on case ng Customs Police.

‘‘Kung lumabag sa itinatadhana ng butas este batas pala si Kaneko at accessories nito kinasuhan ba sila?’’ tanong ng kuwagong matakas sa atik.

‘‘Hindi nga kaya nakalabas sila ng paliparan,’’ sagot ng kuwagong maninisip ng pitsa.

‘‘Mukhang may magic na nangyari sa pagdating ni

Kaneko sa airport,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Siguro,’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Ano ngayon ang susunod na hakbang laban kay Kaneko?’’

‘‘Iyan ang aabangan natin kamote!’’

BANGKO SENTRAL

BUREAU OF CUSTOMS

CENTRAL LUZON

CUSTOMS POLICE

ISANG LT

JAPAN AIRLINES

JAPANESE YEN

KANEKO

OGATA

PILIPINAS CIRCULAR NUMBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with