^

PSN Opinyon

Walang silbi ang people’s court

- Al G. Pedroche -
BIGO ang sari-saring diskarte para mapatalsik si Presidente Arroyo sa kapangyarihan. Idinaan sa impeach-ment, mga imbestigasyon ng Senado at protest rallies. Presidente pa rin si Gloria. The opposition is still dauntless. Ngayon, may bagong pakulo" People’s court. Sa pamamagitan ng "hukumang bayan" na pamumunuan ni dating bise presidente Tito Guingona, lilitisin ang Pangulo sa mga dati nang akusasyon laban sa kanya.

Iyan ang ipupursige ng Citizens Congress for Truth and Accountability para palutangin ang hinahanap nilang katotohanan, mawala sa poder at maparusahan ang Pangulo. Pero ano ang silbi nito? Wala itong legal na personalidad para magsagawa ng mga paglilitis. May mga constitutional bodies tayo para diyan. But I’m sure it will bring about a strong impact on the political situation of our country. Lalung gugulo ang kalagayan ng bansa.

Magiging laman ng mga pahayagan at paksa sa radyo at telebisyon ang ano mang negatibong findings laban sa Pangulo. Hindi lang ito paglilitis ng naturang "people’s court" but it will also be trial by publicity laban sa Pangulo. The end result: Mas malubhang krisis sa politika.

The prevailing perception is that political leaders have their own ulterior motives in ganging up against the President. Granting
na masamang Pangulo nga si Gloria, kanino tayo susugal? Sino ang ipapalit natin sa kanya? Hindi magkaisa ang iba’t ibang sektor na kumakalaban sa liderato ni Presidente Arroyo. Iba-iba ang ipinapanukala para maisaayos ang kalagayang politikal, Mayroong nagpapanukalang magdaos na snap presidential election tulad ni El Shaddai leader Mike Velarde. Mayroon naman gustong idaan na sa marahas na paraan ang pagpapatalsik sa Pangulo at bumuo ng revolutionary government. And of course, mayroong gustong sumayaw ng cha-cha (charter change) at ibahin ang sistema ng pamama- hala mula sa kasalukuyang presidential tungo sa federal-parliamentary system.

Iyan ang problema. Sa isip ng marami, ang bawat panukala ay may hidden agenda na makasarili. Mapa-oposisyon o administrasyon, may pansariling layunin. Kung magkagayon, sino pa ang maaari nating pagtiwalaan sa pag-ugit ng pamahalaan?

BUT I

CITIZENS CONGRESS

EL SHADDAI

IDINAAN

IYAN

MIKE VELARDE

PANGULO

PRESIDENTE ARROYO

TITO GUINGONA

TRUTH AND ACCOUNTABILITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with