^

PSN Opinyon

Prayer rally daw pero may dalang placards

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
USAP-USAPAN ang naging enkuwentro ng pulisya at mga protesters noong isang linggo. Binomba ng tubig ng mga pulis ang mga protesters at kabilang sa mga ito si dating Vice President Teofisto Guingona, dating Gov. Oscar Orbos, Sen. Jamby Madrigal, partylist Rep. Satur Ocampo, Fr. Robert Reyes at mga bishops.

Prayer rally daw iyon ayon sa mga protesters. Inaangalan nila ang pagpapatupad ng calibra-ted preemptive response (CPR). Maganda sana ang hangarin ng grupo lalo na’t sa simbahan sana hahantong ang martsa para doon gana-pin ang programa. Subalit hindi natuloy ang plano. Sa halip, nagpilit ang mga protesters na pumunta sa Mendiola na ipinagbabawal pagdausan ng mga protesta. Dito na nagkainitan. Ayaw pumayag ng pulisya na magtungo sa Mendiola ang grupo sapagkat malapit sa Palasyo at wala ring maipakitang permit upang mag-rally ang grupo.

Dahil sa nagpipilit ang mga protesters na ipagpatuloy ang kanilang pagmamartsa, pumorma na ang mga pulis. Dito na binomba ng tubig ng mga pulis ang mga protesters. Sa pakaka-gulo, marami rin ang mga nasaktan.

Sa tingin ko, hindi masisisi ang pulisya na bombahin ng tubig ang mga nagpoprotesta.

Maraming lugar na dapat pagdausan ng protesta ay kung bakit sa malapit pa sa Palasyo nila gusto. Prayer rally daw, pero may mga placards sila na palaban ang dating. Dapat daanin sa matahimik na pamamaraan kung may pro-testa man para maiwasan ang karahasan.

AYAW

DITO

JAMBY MADRIGAL

MENDIOLA

OSCAR ORBOS

PALASYO

ROBERT REYES

SATUR OCAMPO

VICE PRESIDENT TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with