Permit sa sabungan
October 20, 2005 | 12:00am
NOONG 1983 pa nagmamay-ari ng isang sabungan si Tony. Subalit noong Enero 1990, ibinigay na niya ang pamamahala sa sabungan sa kanyang asawang si Ester dahil wala na siyang oras pa maging manager nito.
Noong Pebrero 4, 1992 habang nakaupo si Tony bilang mayor ng kanilang bayan, inakusahan siyang namagitan sa pag-iisyu ng lisensiya o business permit ng kanilang sabungan. Dahil dito, nakasuhan siya ng pakikipagsabwatan sa kanyang asawa sa paglabag sa Secion 3(h) ng Anti-Graft Law kung saan ipinagbabawal sa isang opisyal ng gobyerno ang magkaroon ng tuwiran o di-tuwirang pinansiyal na interes sa anumang negosyo o kontrata, at gamitin ang posisyon upang mag-isyu ng permit.
Gayunpaman, napawalang-sala ng Sandiganbayan ang mag-asawang Tony at Ester sa kasong ito. Ayon sa Sandiganbayan, hindi maaaring may kinalaman si Tony sa pag-isyu ng nasabing permit sa operasyon ng sabungan noong 1992 dahil noong Enero 1, 1992, ang permit ay maaari lamang iisyu ng Sangguniang Bayan batay sa Section 447 (3) ng Local Government Code (LGC) na naging epektibo noong Enero 1, 1992. Kaya, naging bahagi si Tony sa pag-isyu ng permit ng kanyang sabungan noong Pebrero 4, 1992 base sa impormasyon laban sa kanya.
Subalit ayon sa Sandiganbayan, may isang pamamaraan ayon sa Section 3(h) ng Graft Law ang nilabag ni Tony at ng kanyang asawa. Ito ay ang pagkakaroon niya ng interes sa anumang negosyo tulad ng sabungan na ipinagbabawal ng LGC na naging epektibo noong 1992. At dahil kasal si Tony kay Ester, pareho silang nagkasala. Ang naging hatol ay base na rin sa dahilang nanatiling kasal sina Tony at Ester mula 1983 hanggang 1992 kung kaya ang sabungan ay bahagi ng ari-arian nilang mag-asawa. Tama ba ang Sandiganbayan?
TAMA ang Sandiganbayan nang ipawalang-sala ang mag-asawa sa usaping pag-iisyu ng lisensiya ng sabungan dahil tanging ang Sangguniang Bayan lamang ang makakapag-isyu nito kung saan si Tony ay hindi miyembro ng Sanggunian. Kung kayat walang dahilan pa upang mahatulan si Ester bilang kasabwat ni Tony dahil napawalang-sala na ito.
Tama rin ang hatol ng Sandiganbayan nang sabihin nitong kahit na si Ester ang namamahala sa sabungan, mananatili pa ring pag-aari ito ni Tony. At kahit mapunta kay Ester ang pagmamay-ari ng sabungan, direkta pa rin ang interes ni Tony dahil ipinapalagay na ang sabungan ay bahagi ng ari-arian nilang mag-asawa. Ang direkta niyang interes sa sabungan ay isang paglabag sa Section 89 (2) ng LGC na ipinagbabawal din ng Section 3(h) ng Anti-Graft Law. Hindi man ito ang kasong isinampa sa kanya sa impormasyon, ito pa rin ay elemento at bahagi ng nasabing kaso. Kaya, si Tony ay nagkasala sa kasong napatunayan.
Subalit nagkamali ang Sandiganbayan nang ipataw nito ang parusa ayon sa Anti-Graft Law. Dapat ang multang P10,000 lamang ayon sa LGC, na mas bagong batas at isang special law sa usaping ito, ang ipataw kay Tony dahil ang pagkakaroon niya ng interes bago pa man 1992 ay hindi pa ipagbabawal. Kaya, si Ester ay dapat ding mapawalang-sala. Ang pagiging kasal ni Ester kay Tony ay hindi nangangahulugang nakipagsabwatan na siya sa asawa. Dapat ay mapatunayan munang malinaw ang pagiging bahagi niya sa pagkamit ng isang transaksyon. Naging bahagi lamang si Ester dahil siya ang may-ari ng sabungan. At dahil hindi siya opisyal ng gobyerno, walang pagbabawal sa kanya upang magkaroon ng interes sa sabungan bagaman ay naiwasan sana niya ang pagmamay-ari nito lalo nat bahagi ito ng ari-arian nilang mag-asawa na ipinagbabawal ng batas sa tulad ni Tony (Teves vs. Sandiganbayan, G.R. 154182, December 17, 2004; 447 SCRA 309).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended