^

PSN Opinyon

Planong pagpatay kay GMA, imbestigahan

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
MATINDI ang binitawang pananalita ni Sen. Miriam Santiago na si dating President Cory Aquino at Senate President Franklin Drilon ang pagpapatalsik kay President Gloria Macapagal Arroyo bago mag-October 15. Matindi sapagkat nanggaling sa isang betaranang mambabatas at esksperto sa batas. Iginiit ni Santiago na handa siyang magbaril sa sarili kung mapapatunayang nagsisinungaling siya.

Grabe ang ipinaparatang ni Santiago. Ang tinatarget na patayin ay ang Presidente at ang idinadawit ay mga nirerespetong tao at matataas na opisyal ng pamahalaan. Nasaan ang pulisya at military na dapat ay nangunguna sa pag-iimbestiga sa mga ganitong kaso? Bakit hindi kumikilos ang Senado at mga kongresista? Tutal, mahilig naman silang gumawa ng mga imbestigasyon, "in aid of legislation".

Imbestigahan ang inilahad ni Santiago sapagkat nalalagay sa bingit ang seguridad at imahen ng bansa. Kung hindi ligtas ang buhay ng pinakamataas at pinakamakapangyarihan tao sa ating bansa, papaano naman ang kalagayan ng isang pangkaraniwang mamamayan? Nakakatakot kung ganito ang sitwasyon sa ating bansa.

Alamin kung tunay o gawa-gawa lamang ang alegasyon ni Santiago. Itinanggi ni dating President Aquino at Senate President Drilon ang paratang ni Santiago. Sabi ni Cory, wild imagination lang daw ni Miriam ito. Dapat malaman ng taumbayan kung ano ang totoo. Siguruhing maparusahan ang mga may kasalanan kung mapapatunayan… kung ang mga ito man ay sina Cory at Frank. Kung nag-iimbento lang si Santiago, ikulong siya upang huwag nang mag-wild imagination at baka sabihing muli "I lied".

ALAMIN

BAKIT

DAPAT

DRILON

KUNG

MIRIAM SANTIAGO

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENT CORY AQUINO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with