^

PSN Opinyon

Ang bagong anyo ng illegal logging sa bansa

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
SA mahigit na isang taon kong paninilbihan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), naging saksi ako sa sari-saring mga hamon na sumusubok sa kakayahan ng kagawaran na ipatupad ang mga batas pang kalikasan.

Sa larangan ng illegal na pagtotroso, higit na nagiging palasak ang ganitong mga hamon. Lalo na’t nagiging tuso ang mga illegal loggers sa kanilang mga kaparaanan para hindi matunton ng mga awtoridad.

Kung dati ay kailangan pang ibaba mula sa bundok ang pinutol na kahoy upang dalhin sa mga tistisan, ngayon ay bago na ang modus operandi ng mga illegal loggers. Ang grupong ito na ang kumikilos sa pagtutumba ng mga kahoy, sa pusod na rin mismo ng gubat tinitistis ang mga kahoy sa sukat nang mga tabla at troso sa pamamagitan ng ‘‘portable sawmills’’ hanggang sa pagluwas ng mga kahoy papunta sa mga kumontratang mamimili.

Ang nahuling 10-wheeler truck ng Task Force Sagip Kalikasan ng Department of Environment and Natural Resources kamakailan lamang ay naglalaman ng isang bangkang de-motor, mga chainsaw tulad ng table saw at band saw. Ito ay dadalhin sana sa isang gusali sa Mauban, Quezon na pag-aari ng isang kooperatiba na ang kalakal ay paggawa at pagbenta ng mga muebles.

Ang mga kagamitang ito kabilang ang mga illlegally cut logs ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa P5 milyon.

Ang mga sangkot sa krimen na ito ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presiden-tial Decree o ang Philippine Forestry Code sa kasong illegal logging.

Ngunit gaano man katuso ang pamamaraan ng mga illegal loggers, patuloy pa ring isasagawa ang mga panghuhuli sa kanila at patuloy na ipapatupad ang mas mahigpit na mga batas pangkagubatan. Isa lang ito sa mga kampanya ng departamento upang iligtas ang natitira nating kagubatan. Hindi kami titigil sa aming kampanya laban sa mga lumalapastangan sa ating kalikasan.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ISA

MAUBAN

NGUNIT

PHILIPPINE FORESTRY CODE

PRESIDEN

QUEZON

TASK FORCE SAGIP KALIKASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with