^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Malaking budget ng DepEd sa 2025

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Malaking budget ng DepEd sa 2025

IKINATUWA ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang pagkakaapruba ng budget para sa kanyang tanggapan sa 2025. Ang budget, isa sa pinakamalaki sa mga tanggapan ay P793.1 bilyon. Mas maliit naman ito kung ikukumpara sa 2024 budget na P924.7 bilyon.

Sabi ni Angara, sa pagkaaapruba ng DepEd budget­, maisasakatuparan na ang mga may kaugna­yan sa pag-aaral kabilang ang pagpapagawa ng mga school buildings, pagre-repair ng mga silid-aralan at mga pasilidad at ang implementation ng computeration program kung saan idi-digitalized ang mga classroom sa pamamagitan ng internet connectivity. Ayon kay Angara, maitataas na ang education system sa bansa. Hangarin na makapag-aral ang lahat ng mga batang Pilipino.

May krisis sa edukasyon at sana nga ay malutas na ang problemang ito. Matagal nang naiiwan ang mga estudyanteng Pilipino. Nangungulelat at hindi makaabante sa ibang mag-aaral sa ibang bansa.

Sa larangan ng Math, Science at Reading, kulelat ang mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante ng Singapore, Hong Kong, Japan, Korea, Macao, Ireland, Estonia, Japan, Korea at Chinese Taipei. Nakakuha lamang ng 355 points sa math, 356 sa science at 347 sa reading. Para makapasa, ka­ilangang ang score ay: 472 sa math; 485 sa science­ at 476 sa reading. Masyadong mababa ang nakuha ng mga Pilipinong estudyante.

Ilang buwan na ang nakararaan, nakita ang kahi­naan ng mga Pilipinong estudyante na may edad 15 sa creative thinking. Sinusukat dito ang paggawa, pag­susuri at paglikha ng mga orihinal na ideya na isasalin sa mga epektibong solusyon. Sa iskor na 14, ang Pili­pinas ay nasa ika-60 rank sa may 62 mga bansa na sumali sa assessment.

Sa 2024 World Competitiveness Ranking na inihanda ng International Institute for Management Development (IMD) na nakabase sa Switzerland, nasa ika-52 puwesto ang Pilipinas sa may 67 bansa.

Nakalulungkot naman na iniwan ni Vice President Sara Duterte ang DepEd na maraming problema. Nag­bitiw si Sara noong Marso. Sa kabila na may malaking budget ang DepEd hindi nito naisakatuparan ang nara­rapat para mapaunlad ang edukasyon. Napag-iiwanan ang mga kabataang Pilipino sa maraming larangan.

Naging isyu rin ang school-based feeding program ng DepEd. Sampung rehiyon sa bansa ang hindi naki­nabang ng feeding program na may budget na P5.69 bilyon.

Inaasahan naman ngayon na sa pamumuno ni Angara, maisasakatuparan na ang mga nararapat para sa DepEd—magagamit nang tama ang pondo.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with