^

PSN Opinyon

‘Kinatay sa palengke....’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ANG AMING TANGGAPAN AY MAY UGNAYAN SA LAHAT NG AHENSYA NA NASA ILALIM NG DEPARTMENT OF JUSTICE SA PAMUMUNO NI SEC. RAUL GONZALEZ.

Merong naka-assign na abogado para sa mga legal problems galing sa Public Attorney’s Office, meron ding representative ang National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, Land Registration Authority (LRA), Commission on Settlement of Land Problems (COSLAP), Bureau of Correction (BUCCOR) na handang makipagtulungan sa inyo.

Idinulog sa aming tanggapan ni Marianne Santos ang tungkol sa pagpatay ng kanyang kapatid na hanggang ngayon ay inihahanap nila ng hustisya. Narito ang kanyang liham.

DearSir:

Ako po si MARIANNE SANTOS nagsadya at sumulat sa inyo upang humingi ng tulong upang mabigyang katarungan ang walang awang pagpatay sa aking dalawang kapatid sa halos magkasunod na taon.

Noon pong taon 2003 April 04, pinatay po ang aming panganay na kapatid si ROMEO MATEO, siya po ay walang awang pinatay, pinagbabaril ni BENEDICTO ERESE alyas "Beny" isang hepe ng Brgy. Tanod. Noong araw po na iyon humigit kumulang 6:20 ng hapon, kasama nya ang aming isa pang kapatid na babae na nagtungo sa palengke ng Sto. Domingo Nueva Ecija, ng siya po ay lapitan ng dalawang tricycle driver na si OKYO RAMOS at JR VELASCO sila po ay nagkaroon ng konting pagtatalo dahilan sa isang pasahero na nagpahatid sa aking kapatid noon nakaraang tanghali ng araw ding iyon. Habang sila po ay nagtatalo lumapit po si BENY ERESE na may nakasukbit na baril, na nakita naman po ng aking kapatid na si YOLANDA BAGSIC kaya po lumapit siya at sinabing tama na iyan, sumagot po si Beny at sinabing ok na yun, sabay bunot ng baril ng makita po ng aking kapatid (Romeo) tumakbo po siya palayo ngunit hinabol at pinagbabaril po siya habang siya ay tumatakbo, ng siya po ay mabuwal na at nakadapa lumapit po ang dalawa (Okyo at Jr.) at pinagpupukpok po ng bomba ng bisikleta at katala ang aking kapatid habang binabaril ni Beny ng matiyak po nilang patay na ang aking kapatid sila po ay umalis na at sumakay na sa tricycle ni Beny. Ang lahat po ng tama ng aking kapatid ay sa likod wala po syang kalaban-laban.

Kami po ay naghain ng demanda bilang MURDER, ngunit ginawa po ng prosecutor na HOMICIDE ang kaso at sina Okyo Ramos at Jr. Velasco na kasangkot sa pagpatay ay hindi kinasuhan, nagfile po kami ng motion pero wala rin pong nangyari hanggang nawalan na po kami ng mga hiring at tuluyan ng walang nangyari sa kaso.

Itong taon lang po, January 07, 2005, muli nanaman pong pinatay ang isa ko pang kapatid RONALD MATEO yun din pong pumatay sa aming panganay ang pumatay, si BENEDICTO ERESE "alyas Beny" . Noon araw po na iyon January 07, 2005 humigit kumulang sa 4:10 ng hapon nag-aabang ng pasahero ang aking kapatid sa harap ng isang tindahan sa Brgy. Malasin Sto. Domingo Nueva Ecija. Nadaanan po siya ni Beny nakasakay sa kanyang tricycle kasama ang kanyang anak at pamangkin, ng makita po nya ang aking kapatid na nakatayo sa gilid ng tindahan agad pong bumaba si Beny at sabay bunot ng baril, ng makita po ng aking kapatid tumakbo po siya papasok sa looban ngunit sinundan siya at doon walang awang pinagbabaril at tulad ng una lahat ng tama ng aking kapatid ay sa likod at ang iba ay sa palad at kamay dahil sa itinataas na n’ya ang kanyang kamay sa pagmamakaawa ngunit mistulang hayup parin syang pinatay.

Noong araw po na iyon ay naghain kami ng kasong frustrated murder sa dahilang nadala pa namin sa hospital ang aking kapatid, kinabukasan po January 08 namatay ang aking kapatid dahil sa dami ng tama ng bala, kaya isinampa namin ang kaso bilang murder, ngunit ng i-inquest na ang kriminal ay ibinaba ng prosecutor GERARDO DE LEON ang resolution sa homicide. Nag-file po kami ng motion for reconsideration upang gawing murder ang kaso noong January 24, 2005, at nito pong February 7, 2005 nagtungo po ang aking kapatid sa Justice Hall ng Cabanatuan upang alamin ang resulta ng motion at nalaman nga po namin na DENIED FOR LACK OF MERIT ang resulta ng motion at lumabas na pala ang resolusyon noong February 01, 2005.

Nag-file po kami ng Petition for Review nitong February 15, 2005 sa Department of Justice Manila (I.S. No. 05A-0076-77 Crime case no. SD(05)-1084 for murder and violation of PD1866) at naghihintay ng resulta sa ngayun at umaasang maitutuwid ang isang para sa amin ay baluktot na desisyon, sa inyo na lamang po kami umaasa upang mapiit ang criminal, hindi lang po para sa amin kundi para narin sa aming mga kababaryo dito na halos sagad na ang takot sa kanya.

Sa ngayun po ay patuloy na nakalalaya ang kriminal dahil sa tatlong araw lang po siyang ikinulong at pinalaya na agad at nagbabanta na muli pa siyang papatay. May kapatid po kasi siyang CIDG si SABINO ERESE na yun po ang sumasalo sa kanya sa tuwing sya ay pumapatay. Ayaw po sana naming maniwala na one sided ang hustisya sa amin ngunit sa naging desisyon ng prosecutor may hustisya pa ba para sa aming mahihirap? At sa amin din pong palagay ay nagkaroon ng bayaran sa pagbaba ng kaso, kaya po sa inyo na kami lumapit at humihingi ng tulong. Sir kung dito po sa Nueva Ecija lang din magaganap ang hiring at sa desisyon ni Prosecutor Gerardo De Leon mananatili pong walang katarungan, ayaw po sana naming magsalita ng ganito ngunit nakikita naman po ang kawalang katarungan. Sana po kami ay inyong tulungan, upang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng aking mga kapatid. Naniniwala po kami na sa tulong na inyong ibibigay ay mangingibabaw parin ang katarungan. January 9, 2005 pinuntahan ko po sa head quarters ng Sto. Domingo ang criminal at tinanong ko po siya kung bakit naman pinatay pa nya pati isa kong kapatid, pinatay na nga niya yun isa, ang sabi po nya wala lang daw baka daw kasi maisip ng kapatid ko na gumanti, ang sabi ko po sa kanya wala sa isip ng kapatid ko yun kaya nga siya umalis na sa baryo natin at nakitira na lang sa isa ko pang kapatid dahil ayaw na niya ng gulo.

Sa ngayun po ay nasa Department of Justice Manila ang aming inihain na Petisyon for Review (I.S. No. 05A-0076-77 Crime case no. SD (05)-1084 for MURDER and violation of PD1866).

Maraming salamat po.

MARIANNE, pumunta ka sa aking sa 5th floor, CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City at tutulungan ka namin na ma-follow-up ang iyong Petition for Review.

PARA SA ANUMANG KASONG KRIMEN, BIKTIMA NG KARAHASAN O NG WALANG KATARUNGAN, MAARI KAYONG MAGPUNTA SA AKING TANGGAPAN, O TUMAWAG KAYO SA 6397285 O SA 6373965-70.

MAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA 09213263166 O SA 09209672854.

AKING

AMING

BENY

BRGY

DEPARTMENT OF JUSTICE MANILA

DOMINGO NUEVA ECIJA

KAMI

KAPATID

PONG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with