EDITORYAL Bagong estilo sa paggawa ng shabu
September 25, 2005 | 12:00am
HINDI na sa bodega o lumang apartment ginagawa ang methamphetamine hydrochloride o kilalang shabu kundi sa mga tumatakbong container van at naglalayag na yate o barko. Mas safe raw at hindi natutunugan ng mga awtoridad ang ginagawa ng sindikato. Ito ay patunay lamang na lahat ng paraan ay gagawin ng mga salot na drug syndicate para magtuluy-tuloy ang kanilang operasyon sa Pilipinas. Bilyong piso ang kinikita nila bawat taon sa shabu at hindi nila mapapabayaan na basta na lamang ito mawala. Gagawin nila ang lahat para tuluy-tuloy ang pagtatamasa ng pera. Tatapalan ng pera ang mga corrupt na pulis para maprotektahan sila. Malaking pera ang itatapal para hindi mabulilyaso ang operasyon. At hindi lamang mga pulis ang tinatapalan ng pera kundi pati mga local officials partikular ang mayor. Isang katibayan ay nang madakma ang mayor ng Panukulan, Quezon na si Ronnie Mitra dalawang taon na ang nakararaan. Nasa bilangguan na si Mitra at maaaring mabulok na roon. Nahuli ang mayor habang itina-transport ang sangkaterbang shabu na nakakarga sa ambulansiya.
Lubhang kakaiba nga ang style ngayon para hindi matiktikan habang nagma-manufacture ng shabu. Habang tumatakbo ang sasakyan ay abalang-abala rin naman sa pagluluto ang mga dayuhang Intsik. Ayon sa report, mas maraming nalulutong shabu sapagkat hindi agad natitiktikan. At madali rin namang maitapon ang niluto sakali at matunugan ng mga awtoridad.
Sabi ng isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), may kahirapang ma-detect ang pagma-manufacture ng shabu sa container van o yate sapagkat naglalayag o tumatakbo. Hindi rin maaamoy ang nilulutong shabu hindi katulad kung sa mga paupahang apartment niluluto na masamang amoy ang inilalabas kaya madaling matunugan ng mga residente at naiti-tip sa mga awtoridad. Ang bagong estilo ang dahilan kung bakit hindi nauubos ang supply ng shabu sa kabila na marami nang shabu labs ang nasalakay.
Kung sa yate o trailer van niluluto ang shabu, dapat nang maging vigilant ang mamamayan sa bagong style na ito. Hindi makakaya ng PDEA, pulis at ibang law enforcement agency ang problemang ito kaya dapat makilahok ang taumbayan. Ireport ang makikitang kahina-hinalang yate sa baybaying dagat at baka nagluluto ng shabu. O baka may isang kahina-hinalang trailer van na maligaw sa inyong lugar. I-tip agad at nang masakote ang mga salot ng lipunan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest