^

PSN Opinyon

Coup de-tanda?

- Al G. Pedroche -
KAPAG nag-aklas daw ang mga retiradong heneral ng militar at pulisya laban sa gobyerno, ang tawag daw ay "coup de-tanda."

Joke lang iyan. Baka kastiguhin din tayo ng mga retired Generals tulad ng sinapit ni Presidential Spokesman Toting Bunye. Sabi kasi niya, wala nang kapabilidad ang mga dating opisyal na ito dahil ni hindi na kayang magbuhat ng sandata. In other words, mahina na ang tuhod kundi man ulyanin.

Unang pumalag sa pahayag ni Bunye sina Senador Pong Biazon na isang retiradong heneral at si ret. General Fortunato Abat. Insulto nga naman sa kanila ito. Umuugong na naman kasi ang balitang kudeta laban kay Presidente Arroyo. Ito’y plano umano ng ilang retiradong heneral ng militar at pulisya. Kasalukuyan daw na nanggagapang ng suporta ang mga dating opisyal na ito sa hanay ng mga opisyal at tauhan ng militar at pulisya. Puwedeng ismolin ng Palasyo ang balitang ito. Ngunit dapat mangatog sa takot ang Palasyo kung ang kudeta ay niluluto sa loob mismo ng militar.

Pero ayon naman sa matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, nananatili raw na loyal sa Pangulo ang pulisya at militar at hindi sasakay sa panghihikayat ng sino mang elemento para puwersahing bumaba sa tungkulin ang Pangulo. Reliable ba naman ang paniniyak na ito? Bakit naman aaminin ang isang sikretong balak? Ang kudeta o ano mang balak na ibagsak ang pamahalaan ay laging may element of surprise. Dumarating nang hindi inaasahan.

Hindi kaya sadyang ipinalulutang ang ganitong rumors para masilat ang ano mang namumuong maitim na balak sa utak ng mga kontra-Arroyo? In the last analysis, hindi malayong may ganitong plano ang mga kalaban sa pulitika ni Mrs. Arroyo.

Nabigo ang impeachment laban sa Pangulo. Nasilat din ang ikalawang tangkang buhain ito sa pamamagitan ng motion for reconsideration na inihanda ng mga mambabatas ng oposisyon. Kasi, walang quorum sa Mababang Kapulungan. Parang hindi rin humahatak ng suporta ang planong pagtatayo ng "people’s tribunal" na siyang lilitis sa Pangulo sa mga mabibigat na paratang laban sa kanya na ibinasura lang sa botohan sa plenaryo ng Kongreso. Para kasing nangangapa sa dilim ang taumbayan. Kung susugal ba sila sa ganitong marahas na balak ay bubuti ang kanilang katayuan o lalung mapapariwara? No one can say for sure. Iyan ang dahilan kung bakit sa kabila ng ngitngit ng tao sa Pangulo, andap silang makilahok sa ano mang extra-constitutional means para pataubin ang kanyang liderato.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

GENERAL FORTUNATO ABAT

MABABANG KAPULUNGAN

MRS. ARROYO

PALASYO

PANGULO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with