Mag-ingat sa mga training agency na dulot ay kalbaryo
September 21, 2005 | 12:00am
PINAG-IINGAT namin ang lahat lalo na yung mga nagbabalak mangibang bansa at mamasukan bilang Overseas Contract Worker (OCW). Nagkalat ngayon ang mga bogus na training center na dulot ay kalbaryo sa mga pobreng nagnanais na kumita nang malaki.
Walang kaukulang dokumento ang mga ito mula sa POEA at TESDA. Bukod pa rito, wala ring dapat na kaalaman ang kanilang mga empleyadong nagsasagawa ng mga training. Pero dahil mura ang kanilang singil, kinakagat sila ng iba.
Pero hindi lamang ang mga bogus na training agency ang dapat pag-ingatan, dahil maging ang mga legal at dokumentadong mga training agency ay nagagamit din sila ng mga mapagsamantalang employer o (dispatcher) para pagkakitaan.
Isa sa mga kasong nailapit sa amin ang TLA training agency na pag-aari nila Betty Go at Tessy Cheng.
Estilo ng training agency na ito ang kumuha ng mga aplikante para ipadala sa Taiwan kapalit ang ibat ibang trabaho. Malayang nakakapasok ng Taiwan ang mga pinalulusot na aplikante gamit ang mga job order ng isang Peng Peng Hu.
Pero dobleng kalbaryo ang inaabot ng kanilang mga empleyado pagdating sa Taiwan dahil bukod sa hindi magandang working environment, alagaing aso pa ang trato sa kanila.
Ilang empleyado ng TLA training center mula Taiwan ang bumalik sa Pilipinas na halos wala na sa sariling katinuan dahil sa sinapit sa kamay ng kanilang malupit na employer.
At ang iba sa kanila, naiwang nakakulong sa mga mental institution sa Taiwan.
Sige naman ang pagtuturo ng TLA traning center sa mga agency na pinanggagalingan ng mga kawawang aplikante. Pero kung susuriing mabuti, maituturo ang lahat ng sisi sa TLA traning center at kay Peng Peng Hu.
Alam naming hindi lamang ito ang nag-iisang training center na gumagawa ng kalokohan. Marami pa sa kanila ang palihim na dumidiskarte at patuloy na nakakapanloko ng mga pobreng aplikante.
Ano mang impormasyong may kinalaman sa mga ganitong uring aktibidades, ipagbigay alam kaagad sa amin. Kami na ang bahalang umaksiyon.
Hotline numbers, itext (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong 932-8919/932-5310. Panoorin ang BAHALA SI TULFO 9:00-10:00 a.m.UNTV 9:00-10:00 a.m. DZME 1530 kHz.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended