Motorsiklo ng isang mahirap na waiter tinira sa MPD
September 3, 2005 | 12:00am
ISANG kahig, isang tuka si Bernard, waiter sa restaurant ni Manila Councilor Bernie Ang. Sabi nga, isang mahirap na taxpayer.
Si Bernard, ay biktima ng isang tulisan este mali lespiak pala diyan sa MPD Anti-Carnapping Unit.
Kinuha kasi ng motorsiklo niya nang dalhin niya sa 3H motor shop sa Quirino Avenue, Manila para ipagawa.
Noong August 9, 2005, sangkatutak na motorsiklo ang kinuha sa nasabing talyer ng isang PO2 Jonas dela Cruz ng MPD-ANCAR kasi duda ang mga lespiak na nakaw daw ang mga motorsiklo rito.
Kaya naman pati motorsiklo ni Bernard ay kasamang natangay nina Jonas. Ang mga motorsiklo ay dinala ng mga taga-ANCAR sa MPD headquarters.
Nang mabalitaan ni Bernard ang pangyayari ay mabilis siyang nagtungo sa MPD-ANCAR dala ang kanyang mga documents na magpapatunay na binili niya ng hulugan ang kanyang sasakyan.
Humingi ng SOS kina Itchie Cabayan, columnist ng Police Files, Jerry Tan, photo journalists at Edong Reyes, bossing ng Photogs diyan sa Journal Group of Publications si Bernard para makuha ang kanyang sasakyan sa MPD-ANCAR pero noong mga oras na iyon ay nawawala na ang kanyang motor. Naku ha!
Sabi ni Itchie sa mga kuwago ng ORA MISMO, pinaikot sila ng mga lespiak sa ANCAR regarding the missing motorcycle. Sa kakukulit ni Itchie kay Chief Inspector Paul Mangilinan nangako na lamang ang huli na babayaran ng P25,000 ang sasakyan ni Bernard dahil dehins na ito makita. Ang pangakong bayaran ay napako dahil biglang lumabas ang motorsiklo ni Bernard pero nakahoy na ito sabi ng huli
May magic ba sa MPD-ANCAR? tanong ng kuwagong mangongotong.
Siguro ang mga nawawalang bagay ay lumulutang iyon nga lang nakahoy na, sagot ng kuwagong marinong lasing.
Dapat iparating ni Bernard kay NCRPO bossing Vidal Querol ang kanyang reklamo para maaksyunan, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Bigyan kaya ng aksyon ni Querol ang problema ni Bernard? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Tiyak iyon, kamote!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest