Madudumihan na naman ang pangalan ni GMA dahil kay Jaylo
September 2, 2005 | 12:00am
PANAHON na siguro para posasan ni Presidente Arroyo ang Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIFTF) sa ilalim ni Dir. Reynaldo Jaylo. Kasi nga, kahit abot langit na ang pag-anunsiyo ni Labor Sec. Patricia Sto. Tomas na disbanded na ang PAIRTF ni Jaylo, aba patuloy pa rin sila sa pag-ooperate. Sinabi ni Usec. Danilo Cruz ng DOLE, na naabisuhan na nila si Jaylo na tapos na ang termino ng PAIRTF noong Hulyo 9 pa at wala na silang karapatang manghuli pa. Nangako naman si Jaylo na mag-comply sa desisyon ni Sto. Tomas at ang mga labor officials natin. Pero bilang director ng POEA, nilinaw ni Sto. Tomas na si Jaylo ay puwedeng mag-imbestiga ng kasong illegal recruitment subalit wala siyang police power kayat kailangan pa niyang makipag-coordinate sa pulisya kung may huhulihin man. Ang problema lang, itong PAIRTF ay patuloy pang nag-ooperate sa pag-invoke nitong POEA authority ni Jaylo at sa katunayan may naaresto pa silang illegal recruiter umano noong nakaraang linggo. Nagpa-prescon pa sila. Malinaw na hindi kayang patigilin ni Sto. Tomas at mga labor officials ang patuloy na panghaharabas ng PAIRTF kayat nararapat lang na si GMA na ang kumilos bago pati pangalan niya ay madawit pa, di ba mga suki? He-he-he! Baka maihabol pa sa isyu ng impeachment ang kontrobersiya na dulot ng PAIRTF.
Inamin ng labor officials na kaya naisipan nilang i-disband ang PAIRTF ay dahil marami nga itong nahuhuling illegal recruiter eh iilan lang ang nasampahan nila ng kaso. Kung may nasampahan man, nagtataka ang mga labor officials kung bakit nakapag-bail ang mga suspects, samantalang non-bailable ang kaso nila. He-he-he! May madyik pala ang PAIRTF ni Jaylo, di ba mga suki? Pero hindi sinabi ng mga labor officials natin na pinitsa ng PAIRTF ang mga nahuli nila ha? Sa imbestigasyon ng labor officials, napatunayan nila na ang mga illegal recruiter na nahuhuli ng PAIRTF ay patuloy pa rin ang operasyon kahit na-prescon na sila. Ika nga, wala rin palang binesa ang PAIRTF para mapatigil ang operation ng mga tiwaling recruiters, di ba mga suki?
At kung ipagpatuloy pa ng PAIRTF ang panghuhuli nila, aba nagsasayang lang sila ng oras dahil wala na silang mandate at magkaroon pa ng duda ang sambayanan ng pera-pera lang ang lakad nila. Kapag hindi pa sila naposasan ni GMA, aba marami pa silang mapeperhuwisyo. Kaya ko nasabi ito mga suki dahil sa desisyon ng Manila RTC kamakailan kung saan sinupla ng isang judge ang PAIRTF. Ni-raid kasi ng PAIRTF ang opisina ng Billboard na pag-aari ni Antonio Antonio at marami silang kinumpiskang mga gamit. Inorder ng judge sa PAIRTF na ibalik ang lahat ng gamit dahil wala silang karapatang mag-conduct ng raid nga. Iginiit ng PAIRTF na ang authority nilang mang-raid ay ang pagiging director ni Jaylo sa POEA. Subalit napatunayan ng Korte na ang PAIRTF ang nag-apply ng warrant para mang-raid sila sa opisina ni Antonio. Ayon pa sa Korte, walang karapatang mag-apply ng warrant ang PAIRTF dahil nabuwag na nga sila noon pang Hulyo 9. Ika nga ipinawalang bisa ni Judge ang warrant na ginamit ng PAIRTF sa pag-raid nila sa opisina ni Antonio. He-he-he! Malinaw na nagbabakasakali lang ang PAIRTF pero pasasaan mat may katapusan din ang kaligayahan nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest