^

PSN Opinyon

Kakalabanin na ni Manda Mayor Gonzales ang mga Abalos

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HUMIHIRIT pala ng "Isa pa nga" ang mga alipores ni Mandaluyong City Mayor Neptali Gonzales. Ang ibig kong sabihin mga suki, nasarapan sa puwesto ang mga bataan ni Gonzales at nais nilang tumakbong muli bilang mayor ito sa darating na halalan. Kalat kasi sa Mandaluyong na isang termino lang si Gonzales at tulad ng usapan nila ng pamilya Abalos, babalik na muli siya bilang congressman sa palapit na election. Alam ng taga-Mandaluyong na si Gonzales ay third termer na nang makipag-swap ng puesto kay dating Mayor Benhur Abalos para hindi naman siya mabakante. Pero nitong mga huling araw, tumunog ang balita na kinukumbinsi ng kanyang mga alipores si Gonzales na tumakbo na lang muli sa pagka-mayor at hindi na bilang representante ng siyudad sa Kamara. Sarap na sarap na sila sa mga puwesto nila, di ba Mr. Tolongges… este Tolome Sir? ’Ika nga kakalabanin na ni mayor ang mga Abalos. He-he-he! Tiyak magandang laban ’to pag nagkataon.

Kaya sa ngayon, inaawitan na raw ni Gonzales at mga alipores niya ang mga bataan ng mga Abalos sa City Hall at mukhang nagtagumpay naman siya. Marami ang humanga sa pamamalakad ni Gonzales sa City Hall lalo na sa aspeto sa pag-release ng pondo o pera. Kung ganito kaganda raw ang ipinapakita ni Gonzales, aba, tiyak may tulog ang mga Abalos sa darating na elections. Ang balita pa, maging si Tolongges… este si Tolome pala, ay tatakbo rin kaya’t matibay pa sa bato ang kanilang tiket. Kaya lang, alam din ng mga alipores ni Gonzales na para silang bumangga sa pader kapag nilabanan nila si Benhur dahil sa Comelec pa ang tatay niya. Kaya diyan papasok ang kanilang makinarya at tinatantiya nila sa ngayon kung kakayanin nilang makipagsalpukan sa mga Abalos.

Diyan na mga suki pumasok ang ideya ni Tolongges… este ni Tolome pala, na kupuin ang pasugalan sa kanilang lugar. Para mapalaki ang war chest ni Gonzales, nais ni Tolome na sila na mismo ang magpapatakbo ng pasugalan sa lungsod para diretso ang kita na ipapamudmod naman nila sa elections. ’Ika nga, ibabalik din nila sa mga tao ang kinita nila. Doon naisip ni Tolome na palitan ang hepe ng anti-vice unit na si Ampayo kay Victor Espinosa na isang retiradong pulis na nabaril noon ni Col. Bienvy Calag sa kamay dahil sa isang nakakahiyang kaso. Malimit ibida ni Calag ang ginawa niya kay Espinosa lalo na sa inuman. At kinutsaba ni Espinosa si SPO3 Richard "Chito" Masilang, para makopo nila ang pasugalan sa kaharian ni Gonzales. Kaya lang sumemplang ang plano nila dahil sa pagbubulgar ko sa pitak na ito. Sa ngayon, balik trabaho na si Boy A. dahil nakausap na ’ata siya ni Tolome, ang tagagawa ng pera ng kampo ni Gonzales, hayagan man o tago, he-he-he! Urong-sulong pala si Tolome, di ba mga suki? Si Espinosa? Aba, siyempre, masaya siya dahil balik orbit nang muli itong si Onyok Alvaran, ang kolektor ng intelihensiya ng anti-vice unit.

Anu-ano pa kaya ang magiging hakbangin ni Tolome para lalong isulong ang "Isa pa nga!" ni Gonzales? Kung sabagay, hanggang sa ngayon, wala pa akong makikitang crack sa relasyon ng mga Gonzales at Abalos. Abangan!

ABALOS

BIENVY CALAG

BOY A

CITY HALL

ESPINOSA

GONZALES

KAYA

NILA

TOLOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with