^

PSN Opinyon

Walang Civil Service Eligibility

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Fernando ay manager ng Legal Services Dept. ng Export Processing Zone Authority (EPZA). May Civil Service eligibility siya para sa puwesto sapagkat nakumpleto niya ang training program para sa Executive Leadership and Management (ELM) sa ilalim ng Civil Service Academy ayon sa Civil Service Resolution (CSC) 850 pecha April 16, 1979.

Noong May 31, 1994, nagpalabas ng bagong patakaran ang CSC (No. 21) na kinakailangan na ang lahat ng taong humahawak ng puwesto sa Career Executive Service (CES) sa gobyerno ay dapat mayroong Career Service Executive Eligibility (CSEE) maliban na lang sa katulad ni Fernando na nasa permanenteng puwesto na at mananatili na sa nasabing puwesto kahit walang CSEE.

Noong July 1, 1996, nag-retiro na si Fernando bilang Legal Services manager ng EPZA. Dalawang taon makaraang magretiro hinirang siya muli ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Sa simula kontraktuwal na empleyado lang siya, ngunit noong Jan. 1, 1999 binigyan siya ng permanenteng appointment bilang Department Manager III ng Labor and Employment Center ng SBMA. Ngunit ang appointment niya’y dinisaprubahan ng CSC dahil wala siyang Civil Service Eligibility batay sa CSC 21 s. 1994.

Labag daw sa saligang batas ang aksiyon ng CSC ayon kay Fernando. Katwiran niya na ang eligibility niya sa pamamagitan ng ELM training program ay hindi na maapektuhan ng bagong patakaran sa ilalim ng CSC 21. Kuwalipikado na raw siya sa dating puwesto niya sa EPZA kaya kuwalipikado na rin dapat siya sa bagong puwesto sa SBMA. Tama ba si Fernando?

MALI.
Pinoprotektahan lang ng CSC 21 ang karapatan ng lahat ng nasa puwesto na habang sila’y nakapuwesto pa. Pinahintulutan sila na manatili sa puwesto kahit walang CSEE. Sa kasong ito, nagtapos na ang serbisyo ni Fernando sa gobyerno ng siya ay mag-retiro noong July 1, 1996. Kaya ang karapatan niya manatili sa isang puwestong Career Executive Service kahit walang CSEE ay natapos na rin. Noong namasukan siya muli sa serbisyo sibil bilang Dept. Manager III sa SBMA noong 1999, kinakailangan nang tumupad siya sa panibagong kuwalipikasyong hinihiling ng CSC 21 para sa puwesto. Kaya tama lang ang pag-disapruba ng CSC sa kanyang appointment (Abella Jr. vs. CSC, GR 152674, November 17, 2004).

ABELLA JR.

CAREER EXECUTIVE SERVICE

CAREER SERVICE EXECUTIVE ELIGIBILITY

CIVIL SERVICE ACADEMY

CIVIL SERVICE ELIGIBILITY

CIVIL SERVICE RESOLUTION

CSC

FERNANDO

PUWESTO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with