Si Quezon at ang wika
August 28, 2005 | 12:00am
Buwan ng Agosto ay Buwan ng Wika
At sa buwang ito ay ginugunita:
Si Pangulong Quezon at mga ginawa
Na pawang naukol sa unlad ng bansa!
Si Quezon ang unang gumawa ng hakbang
Upang itong wikay mabuot malinang;
Isang kautusan kanyang nilagdaan
Surian ng Wika - itatag sa bayan!
Mga makabayat dalubhasang tao
Kanyang inatsang pag-aralan ito;
Kaya ang resultay matatas na tayo
Sa iisang wika - Wikang Filipino!
Malayang lipunan kanyang inambisyon
Kaya itong bansa ay malaya ngayon;
Doon sa Batasan, sa lunsod at nayon
Ang kapayapaay may gintong panahon!
Saka nang ang bansay sakupin ng Sakang
Si Quezon ang unang nagpakitang tapang;
Siya ang namuno sa malayang bayan
Upang kalayaay ating ipaglaban!
Karamdaman niya ay hindi pinansin
Kahit sa ibayo ay lumaban pa rin;
Kaya ang paglayang ngayon ay kapiling
Ay may social justice sa bawat hakbangin!
Kahit nang sandaling tawagin ng Diyos
Kanyang sakripisyoy di matapos-tapos;
Ang puso at diwa ay handog na lubos
Upang itong lahi ay agad matubos!
Ang habilin niya nang bago lumisan:
Tayong Pilipinoy laging magmahalan,
Huwag tayong sakim at huwag manlinlang-
Mahalin ang kapwa - iangat ang bayan!
At sa buwang ito ay ginugunita:
Si Pangulong Quezon at mga ginawa
Na pawang naukol sa unlad ng bansa!
Si Quezon ang unang gumawa ng hakbang
Upang itong wikay mabuot malinang;
Isang kautusan kanyang nilagdaan
Surian ng Wika - itatag sa bayan!
Mga makabayat dalubhasang tao
Kanyang inatsang pag-aralan ito;
Kaya ang resultay matatas na tayo
Sa iisang wika - Wikang Filipino!
Malayang lipunan kanyang inambisyon
Kaya itong bansa ay malaya ngayon;
Doon sa Batasan, sa lunsod at nayon
Ang kapayapaay may gintong panahon!
Saka nang ang bansay sakupin ng Sakang
Si Quezon ang unang nagpakitang tapang;
Siya ang namuno sa malayang bayan
Upang kalayaay ating ipaglaban!
Karamdaman niya ay hindi pinansin
Kahit sa ibayo ay lumaban pa rin;
Kaya ang paglayang ngayon ay kapiling
Ay may social justice sa bawat hakbangin!
Kahit nang sandaling tawagin ng Diyos
Kanyang sakripisyoy di matapos-tapos;
Ang puso at diwa ay handog na lubos
Upang itong lahi ay agad matubos!
Ang habilin niya nang bago lumisan:
Tayong Pilipinoy laging magmahalan,
Huwag tayong sakim at huwag manlinlang-
Mahalin ang kapwa - iangat ang bayan!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended