Di kaya moro-moro lang ni Victor Espinosa ang pagsasara ng sugalan sa Manda?
August 17, 2005 | 12:00am
SARADO na ang pasugalan sa Mandaluyong City. Ito ang pagyayabang ng hepe ng pulisya na si Supt. Eric Velasquez sa mga kasamahan ko sa trabaho sa Eastern Metro Manila. Ibig sabihin nito, tagumpay ang mga buwaya ni Gonzales sa anti-vice unit sa kanilang kampanya para linisin ang siyudad ng illegal na sugal? He-he-he! Mayroon pa rin palang mayor na ayaw ng grasya sa sugal, di ba mga suki? Kung sabagay, hindi natin masisi si Gonzales kung gusto talaga niyang umunlad ang siyudad niya at hindi na maging dependent sa pasugalan ang kanyang mga constituents.
Pero maaga pa para ipanawagan ko sa iba pang mayor sa Metro Manila na tularan nila ang paglilinis ni Gonzales sa kanyang bakuran dahil baka moro-moro lang ni anti-vice chief Victor Espinosa ang pagsara ng pasugalan diyan. Ika nga, lalabas at lalabas din ang katotohanan, di ba mga suki?
Kaya nasabi ko na maaga pa para husgahan ang mga buwaya ni Gonzales dahil may nakapagsabi naman sa akin na tuloy pa rin ang operasyon ng kung anong uri ng sugal diyan. May 14 financier o maintainer umano roon at ang may maraming butas sa kanila ay sina Buddy at Boy A. Ang dalawa ang nagpapatakbo ng mga bookies ng karera, lotteng, ending at EZ2. Si Buddy ay nakatira sa Block 40 at 41 sa Bgy. Barangka samantalang si Boy A. ay sa Block 38 sa Fabella. Ang financier ni Buddy ay ang isang Val Adriano ng Makati City at si Toto naman ng kay Boy A. Ang iba pang mga bangka doon ay sina Erning Tiwa sa JRC Shaw Blvd., Boy Putol, sa P. Gomez St., Boy Tuko sa Nueve de Pebrero, Ely Kambingan sa Open Canal, Dodong Bisaya sa Fernandez St., malapit sa EDSA, Boy C. sa Pantaleon St., Ben Tanda sa Kalentong St. Vergara, Bitoy sa Correctional at Diday sa A. Luna. O hayan, kayo na ang maghusga mga taga-Mandaluyong kung talagang totoong nagsara na nga o hindi ang mga pasugalan diyan sa lugar nyo. Palakpakan nyo na rin si Mayor Gonzales kung totoo ang pagyayabang ni Velasquez. He-he-he! Marunong din akong pumuri kung kinakailangan, di ba mga suki?
Ito palang alyas Tolongges este Tolome pala ang utak sa panghaharibas ng grupo ni Espinosa diyan sa Mandaluyong City. Gusto ata ni Tolome na kopoin ang operation ng pasugalan diyan pero dahil sa pagbubulgar ko eh pinangatawanan na nila ang kanilang kampanya nga. Ito palang si Tolongges este Tolome ang pinagkatiwalaan para gumawa ng pera maging hayagan man o tago. Intendido itong si Tolome sa sugal dahil mahilig din siya sa karera. Kaya abot langit ang galit nitong si Tolome at alipores niya na si Espinosa kay Boy A. sa akalang ito ang nagpi-feed sa akin ng impormasyon sa mga tiwaling lakad nila. Ang huling balita ko, nakapag-piyansa na si Boy A. sa tatlong warrant na iniharap laban sa kanya ng grupo ni Espinosa. Nagtatago siya sa ngayon dahil alam nya abot-langit ang ngitngit laban sa kanya ng tropa ni Tolome. Kapag binubulgar pala ko itong gawain ng Gestapo-like raiders ni Gonzales, aba umuusok ang mga tainga nila. Siyempre, pa si Boy A. ang palaging napagbalingan nila at hindi raw sila hihinto hanggang hindi rin ako humihinto sa kabibira sa kanila. He-he-he! Ano ba yan? Trabaho lang to mga suki at walang personalan. Balat-sibuyas pala tong mga kababayan natin diyan sa Mandaluyong, no mga suki? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended