^

PSN Opinyon

'Palakasan system' ang programa ni Lomibao

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG hindi aabutin ng transformation plan ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao si Maj. Ocden na sumugod sa opisina ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil lamang sa away sa video karera. Ang transformation plan kasi ni Lomibao ay naglalayon na baguhin ang imahe ng pulisya natin. Kaya sinasabi kong hindi aabutin si Ocden dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa kumikilos si Lomibao para imbestigahan ang pagsalakay niya sa CIDG office. Kaya siguro nagbulag-bulagan si Lomibao sa kaso ni Ocden dahil bayaw ito ng inaanak niyang si Sr. Supt. Pat Hernandez ang dating bagman niya sa CIDG na ipinatawag ng Senado sa jueteng probe? Kapag iniwasan ng transformation plan ni Lomibao si Ocden, eh paano maniniwala ang sambayanan na seryoso siyang linisin sa mga scalawags ang kapulisan natin.? He-he-he! Palakasan system o may kinikilingan rin pala ang programa ni Lomibao, di ba mga suki?

Hindi naman pala masisisi si Maj. Ocden kung abot langit ang galit niya kay SPO3 Leo Palatao ng CIDG. Aba kinumpiska pala ni Palatao, kasama ang finger niya na si Abe David, ang mga makina niya na nakalatag sa Taguig City. Sa tingin kasi ni Maj. Ocden, pinipersonal na siya ni Palatao. Pero si Palatao kasi ay dati ring may mga makina at itinigil niya ang kanyang negosyo dahil ninanakaw ng grupo ni Ocden ang kanyang mga VK. Si Ocden pala ay dating deputy ng CIDG sa South Sector. Kaya ang nangyari, sa sobrang galit nilusob ni Ocden ang CIDG pero sa kasamaang palad, nadis-armahan siya ni Palatao at natutukan pa. Namutla si Ocden na PNPA graduate, he-he-he! Ang tapang ng dating ni Ocden pero hanggang doon lang pala siya.

Ang huling balita ko, nasa kay Sr. Supt. Aser Dolina, ang hepe ng CIDG NCR na ang Armalite na nakumpiska ni Palatao kay Ocden. Pero tiyak magkamoro-moro lang ang imbestigasyon ni Dolina rito dahil hindi niya kayang tanggihan ang inaanak ni Lomibao na mas senior sa kanya sa PMA. Si Palatao naman ay nagsumite na rin ng kanyang report kay Chief Supt. Ricardo Dapat, ang hepe ng CIDG. Papayagan kaya ni Dapat na sasalakayin lang ni Ocden ang isa sa kanyang opisina? Tiyak hindi, di ba mga suki? May balita pa ako na baka ang lahat ng miyembro ng CIDG sa South sector ay aabutin ng latigo ni Dapat, maliban sa hepe nilang si Supt. Mitch Filart na naka-leave nang maganap ang insidente. Sana isulong na ang kaso laban kay Ocden para hindi na siya pamarisan pa at tutulak na ang transformation plan ni Lomibao.

Sa parte naman ni SPD director Chief Supt. Willy Garcia nakumpiska pala nila ang karamihan sa mga makina ni Ocden bago nito salakayin ang CIDG office.

Ang huling accomplishment ni Garcia ay ang pagkumpiska sa tatlong makina ni Ocden sa Parañaque City na minimintina ng isang alyas Edmund. Ang RISOO naman ni NCRPO chief Dir. Vidal Querol ay hindi nagpahuli at nakakumpiska rin ng apat na makina ni Ocden. Kung ang mga accomplishments pala nina Querol at Garcia ang gagawing basehan, aba marami palang makina si Ocden. At tiyak pinangalandakan niya ang pangalan ng kanyang bayaw na si Pat Hernandez nga.

Abangan!

CHIEF SUPT

CIDG

KAYA

LOMIBAO

MAJ

NIYA

OCDEN

PALATAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with