Manalamin ka muna Manda Mayor Gonzales
August 5, 2005 | 12:00am
MAHILIG palang maglaro ng guessing game si Mandaluyong City Mayor Neptali Gonzales at ang kanyang mga alipores, lalo na ang taga-Anti-Vice unit. Kaya ko naman nasabi yan mga suki, dahil kung sinu-sino na pala ang itinuturo ni Gonzales at kanyang mga alipores na nasa likod ng pagbubulgar ko sa moro-moro nila sa mga pasugalan diyan sa Mandaluyong. Ang suspetsa ng grupo ni Gonzales ay si Boy A. na may-ari ng mga puwesto na kaliwat kanang ni-raid nang anti-vice unit na pinamumunuan ni Victor Espinosa ang nagbibigay ng detalye sa akin. Pero sa totoo lang mga suki, sa sobrang panggigipit ng grupo ni Espinosa, nagsara na ng negosyo si Boy A. Alam niya kasi na masyadong mainit siya kayat hahabulin talaga siya ng grupo ni Espinosa at kaalyadong si SPO3 Richard Chito Masilang. Kaya hindi ako magtataka kung nitong darating na mga araw ay aarestuhin ng pulisya si Boy A. kahit sarado na ang mga pasugalan niya. He-he-he! Hindi hihinto sina Espinosa at Masilang hanggang makupo na nila ang pasugalan diyan sa siyudad, di ba mga suki?
Habang abala naman si Gonzales at Espinosa sa laro nilang guessing game, nahihimutok naman ang pamilya ni German Macalanda, 74, bunga sa pagkamatay nito sa kamay ng mga ganid at walang kaluluwang taga-Anti Vice unit. Kaya sa lamay ni Macalanda, ang usap-usapan ay ang kalupitan ng mga buwaya este mga tauhan ni Gonzales, na pati sugal-lupa ay pinatulan na. Mataas ang pagtingin ng taga-Mandaluyong kay Gonzales dahil maliban sa abogado ay dati pa siyang deputy House Speaker sa Kamara. Kaya lang nalulungkot sila na ni hindi dinisiplina ni Gonzales ang grupo ni Espinosa kahit namatay na si Macalanda. Kasalanan ba ang maging mahirap, ha Mayor Gonzales Sir? Yan ang katanungan ng mga kapit-bahay ni Macalanda kay Mayor Gonzales. Kasi nga ang mga bataan ni Gonzales ay mukhang nagmamadali kayat sa sobrang bangis nila o Gestapo-like raid na-heart attack si Macalanda. Ayon sa kapitbahay ni Macalanda, panawid gutom lang ang puwesto ng manugang niyang si Noel Dizon su-balit pinatulan pa ng mga buwaya este tauhan ni Espinosa. Bakit sila lang ba ang bumoto kay Gonzales noong nakaraang elections? Tanong pa nila.
Kung ako naman ang tatanungin, mukhang hindi nag-aral ng history si Gonzales at mga alipores niya.
Tahimik naman ang tabakuhan diyan sa Mandaluyong noon subalit nagkagulo dahil sa pagmamalupit din ni SPO1 Felipe Lim Jr. Natanggal si Lim at pinalitan ni Ampayo na hindi man lang nakatikim ng diyaryo dahil kuntento na siya sa nakakarating sa kanya. Nang palitan ni Espinosa si Ampayo, aba biglang naglutangan ang mga kabangisan nila sa diyaryo. At parang adik itong tropa ni Gonzales na kahit sino ay sinisisi sa inabot nilang delubyo. Dapat magsalamin muna si Gonzales at mg alipores niya para malaman nila kung kanino ang diperensiya. Kung hindi si Espinosa at bitbit niyang mga retiradong pulis, kanino ha Mayor Gonzales Sir? Ang payo ko kay Gonzales kumunsulta na lang siya kay Madam Auring para yaong walang kinalaman sa gulo diyan sa siyudad niya ay hindi na madamay pa. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended