Mayor Neptali Gonzales,kailan mo susuwetuhin ang mga gutom mong tauhan ?
July 31, 2005 | 12:00am
NAGBUNGA nang hindi maganda noong Huwebes ng gabi ang panghaharabas ng anti-vice unit ni Mandaluyong City Mayor Neptali Gonzales. Sinisisi ng pamilya ni German Macalanda, 74, ang pagkamatay nito sa mga Nazi raiders ni Gonzales nga. Kailangan pa bang magbuwis ng buhay si Macalanda bago magising sa katotohanan si Gonzales? Yan ang katanungang umiikot sa ngayon sa siyudad ni Gonzales. Kasi nga, kung nakinig lamang si Gonzales sa mga sumbong ng kanyang mga constituents, sana naiwasan ang insidente kung saan humantong sa kamatayan ni Macalanda. Ilan pa kayang Macalanda ang magbubuwis ng buhay bago suwetuhin ni Gonzales ang gutom sa pitsa na mga tauhan niya sa anti-vice unit? He-he-he! Kawawang taga-Mandaluyong City at mahigit pa sa buwaya ang pinakawalan ni Gonzales para lang maghasik ng lagim sa mga mahihirap na sa sugal-lupa umaasa para pampatawid-gutom ng pamilya.
Ni-raid ng anti-vice unit na pinamumunuan ni Victor Espinosa ang bookies ng karera sa bahay ni Macalanda bandang alas-8:00 ng gabi noong Huwebes. Ayon kay PO3 Apolinario Atienza ang bookies ay ino-operate ng manugang ni Macalanda na si Noel Dizon, 42. Subalit nasa loob ng bahay ni Macalanda sa Lino St., sa Bgy. Vergara ang mga raiders nang biglang lumitaw ang matanda at hinanapan ng search warrant ang mga buwaya este raiders na naka-sibilyan. Siyempre pa, nagkaroon ng mainitang sagutan hanggang sa tinakot ng mga raiders si Macalanda na ipakukulong kapag hindi siya tumigil sa pakikialam, anang kausap kong taga-Mandaluyong City. Sa sobrang takot, aba biglang suminghap-singhap si Macalanda at natumba. Isinugod si Macalanda sa Mandaluyong City Medical Center kung saan siya idineklarang patay na. Heart attack, yan ang findings ng mga doktor na tumingin sa kanya. Bakit kaya ang walang kalaban-laban na mga sibilyan lang ang kaya nitong grupo ni Espinosa? Bakit pagkakakitaan ang inuuna nila at hindi ang mga kriminal na gumagala sa siyudad ni Gonzales lalo na sa mga shopping centers? Sayang si Gonzales at wala pa rin pala siyang pinagkaiba sa mga pulitiko sa ating bansa. Magaling lang mambola!
Sa totoo lang, sa anti-vice unit ni Gonzales ay may naka-detach service na dalawang pulis kabilang ni Atienza para maging legal ang lakad nila. At ang mga miyembro ng anti-vice unit ay mga retiradong pulis kayat ang mga hindi nila ginagawa noong naka-uniporme sila ay ngayon nila tinatamasa. Kung noong pulis pa itong sina Espinosa at Maj. Obet del Corro, hindi nila puwedeng basta-basta apakan ang karapatan ng mga residente roon dahil malamang kaso sa Napolcom, PLEB, DILG, IAS, at NCRPO ang aabutin nila. Pero ngayong retirado na sila, aba saan sila kakasuhan eh hawak din naman ni Gonzales ang Korte diyan, anang-Taga-Mandaluyong. Kung noon panay pakiusap ni Del Corro kay SPO1 Jun Lim ukol sa mga huli sa sugal, sa ngayon siya na ang pinapakiusapan. He-he-he! Weather-weather lang talaga, di ba mga suki?
At si Espinosa? Hindi rin maganda ang record niyan noong pulis pa siya. Di ba binaril siya ni Supt. Bienvy Calag sa kamay dahil sa isang kaso? Nakakahiya ang kaso na yon at nagtaka pa ako kung bakit ipinagkatiwala ni Gonzales kay Espinosa ang kinabukasan ng taga-Mandaluyong. Tanungin nyo na lang kay Supt. Calag kung ano ang kaso ni Espinosa dahil baka pati pamilya niya ay ika-hiya siya. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended