^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Patuloy ang kidnapping

-
HINDI totoo na ang kidnapping ay wala na at bahagi na lamang ng nakalipas gaya ng sinabi ni President Arroyo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. Patuloy pa rin ang kidnapping sa kasalukuyan at tumataas pa ang bilang ng mga nakikidnap ayon sa pangulo ng Citizen Action Against Crime na si Teresita Ang See. Sinabi ni Ang See na hindi totoong wala na ang kidnapping kundi lomobo pa ang bilang ng mga nakidnap sa nakaraang dalawang buwan. Ang pagkumpirma ni Ang See ay pinatotohanan naman ng isang police official. Totoo ngang tumaas ang kidnapping cases at maaaring sinamantala ng sindikato ang kaabalahan ng mga awtoridad sa pagpapanatili ng peace and order dahil sa nangyayaring political crisis. Mula nang lumutang ang jueteng scandal at "Hello Garci" ay naging magulo na ang sitwasyon at kabi-kabila na ang mga protesta para pababain sa puwesto si Mrs. Arroyo.

Maikli lamang ang SONA ni Mrs. Arroyo at mabilis din ang pagkakasabi niyang "the rash of kidnappings become a thing of the past". Ibig niyang sabihin wala nang problema rito. Solb na solb na. Makahihinga na nang maluwag ang Tsinoy na karaniwang target ng mga kidnappers. Noong 2001 na umupo si Mrs. Arroyo ay namayagpag ang mga kidnappers at walang awa kung mambiktima ng mga negosyanteng Tsinoy. Kapag hindi nakapagbigay ng ransom sa itinakdang oras ang mga kaanak ng kanilang kinidnap, pinapatay nila ito. Kagaya ng isang babaing negosyante na kanilang kinidnap na hindi naideliber ang ransom, binaril nila ito sa ulo at saka iniwan sa isang madamong lugar sa Valenzuela City. Hindi lamang mga negosyante ang kanilang target kundi pati na rin mga batang estudyante na nag-aaral sa mga private school.

Walang katotohanan ang sinabi ng Presidente na solb na solb na ang kidnapping. Sabi ni Ang See, pitong kidnapping cases ang nangyari mula June 17 hanggang July 18, 2005. Limang Chinese, isang Taiwanese at isang Pinoy ang kinidnap. Dalawa sa mga ito ang pinalaya, isa ang nakatakas at ang apat ay nagbayad ng P1 milyon ransom. Kinumpirma naman ito ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Arturo Lomibao.

Patuloy ang kidnapping at tiyak na pati na rin ang ibang krimen. At habang patuloy ang pagtaas ng krimen, walang tigil naman ang pag-apela ni Mrs. Arroyo na pagdebatehan na ang Cha-cha.

vuukle comment

ANG SEE

ARTURO LOMIBAO

CITIZEN ACTION AGAINST CRIME

HELLO GARCI

KIDNAPPING

LIMANG CHINESE

MRS. ARROYO

PATULOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with