^

PSN Opinyon

Tuloy ang sweet and sour modus operandi ni Victor Espinosa

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PARA sa kaalaman ni Mandaluyong City Mayor Neptali Gonzales, sweet and sour pala ang kalakaran nitong kanyang Anti-Vice Unit sa pamumuno ni Victor Espinosa. Kung suplado ang dating ni Espinosa sa mga financier ng pasugalan sa siyudad ni Gonzales, aba gumagala naman ang kanyang kolektor na si Onyok Alvaran. ’Ika nga gustong palabasin ni Espinosa na wala siyang raket sa Anti-Vice pero sa katotohanan, ibig lang niyang pataasan ang tara niya. Get mo, Mayor Gonzales Sir? Kaya ang hindi nagtataas ng lingguhang intelihensiya kay Alvaran ay niri-raid ni Espinosa. Kaya nagtataka ang mga financier bunga sa sunud-sunod na raid ng Anti-Vice Unit eh hindi naman pumapalso ang intelihensiya nila kay Alvaran. ’Yaon pala may namumuo ng usapan sina Espinosa at SPO3 Richard ‘‘Chito’’ Masilang para makopo nila ang pasugalan sa Mandaluyong City nga. Bagyo kasi si Espinosa kay Bartolome kaya’t tuluy-tuloy ang sweet and sour modus operandi niya. Teka nga pala, parang pamilyar na sa akin ang ganitong estilo, di ba SPO1 Jun Lim Sir? He-he-he! Tiyak walang alam dito si Mayor Gonzales, di ba mga suki?

At bunga na rin sa hamon sa akin ni ret. Maj. Obet del Corro, ang deputy ni Espinosa, aba maagang nagsumite ng report ang ipinadala kong espiya sa Mandaluyong City. Ayon sa initial report na natanggap ko kay spy, ito palang si Espinosa at kasosyong sina Bitoy at Boy Tuko ay may pa-bookies ng karera diyan sa 9 de Pebrero. Ito namang si SPO3 Masilang ay may pa-bookies din sa Hulo, Barangka Itaas, Barangay Ibaba at sa Private. May malawak palang karanasan sina Espinosa at Masilang sa pasugalan kaya’t nagka-interes silang pasukuin ang mga kalaban nila at sila na ang magpapatakbo nga ng ilegal sa siyudad ni Gonzales. Naiputan kaya si Gonzales o talagang may basbas niya ang kakutsabahan nina Espinosa at Masilang para magkaroon siya nang malaking war chest sa darating na elections? He-he-he! Ang taga-Mandaluyong na ang nakaaalam ng kasagutan nitong tanong natin, di ba Mr. Bartolome Sir?

At ang iba pang financiers na tinatarget sa ngayon nina Espinosa at Masilang para agawin ang puwesto ay kina Dodong Bisaya, Ben Tanda, Erning Tilun, Rico, Diday, Tisay, Buddy at Boy Putol. Para sa kaalaman ni Gonzales, itong si Dodong Bisaya ay may plano na lotteng, EZ2 at ending sa Sinag St., sa Libertad, si Ben Tanda at Erning Tilun ay lotteng, EZ2, ending. Magic 3, bookies at sakla sa Kalentong, Harapin ang Bukas St.; sina Rico, Diday at Tisay ay bookies sa Gabby’s sa Blumentritt at P. Cruz sa Libertad; ang kay Buddy ay lotteng, EZ2 at ending sa Barangka Ibaba, at Block 40 at 41 sa Fabella compound at ang kay Boy Putol naman at bookies din ng karera sa Star. Lote-Lote at sa Burol. O hayan, marami nang nakausap si Gonzales para patunayan niyang naiiputan siya ni Espinosa at Masilang, di ba mga suki? Kinumpirma ng taga-Mandaluyong City ang mga financiers at puwesto na dala ng aking espiya at bahala na si Mayor Gonzales na umaksiyon dito para patunayan sa taumbayan na malinis ang konsensiya niya pagdating sa pasugalan, di ba Mr. Bartolome Sir? At habang hindi pa kumikilos si Mayor Gonzales, tuloy ang moro-moro nina Espinosa at Alvaran.

vuukle comment

ALVARAN

ANTI-VICE UNIT

BEN TANDA

BOY PUTOL

DODONG BISAYA

ESPINOSA

GONZALES

MANDALUYONG CITY

MASILANG

MAYOR GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with