^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat malaman ang katotohanan

-
KAPAG nagpatuloy sa pananahimik si President Arroyo tungkol sa kontrobersiyal na tapes magkakaroon ng hinala ang taumbayan na mayroon siyang itinatago. Kapag hindi pa siya nagsalita at patuloy na winawalambahala ang maraming sector tungkol sa pagkakasangkot niya sa wiretapped conversations, hindi magkakaroon ng katahimikan ang bansang ito. Marami pang susulpot na problema na may kinalaman sa kontrobersiyal na usapan sa telepono. Mula nang pumutok ang "usapan sa telepono" na ang Malacañang mismo ang naglantad, wala ni gaputok man na sinabi tungkol dito si Mrs. Arroyo. Nakasiper ang kanyang bibig.

Unang ipinarinig ni Press Sec. Ignacio Bunye ang dalawang CD na umano’y conversation ni Mrs. Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcellano tungkol sa gagawing pandaraya sa resulta ng election. Dinoktor aniya ang boses ni Mrs. Arroyo sa pakikipag-usap sa isang nagngangalang "Gary". Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Bunye na nagkamali siya sa pagsasabing si Mrs. Arroyo ang nasa CD.

Lumantad naman ang abogado ng Oposisyon na si Allan Paguia at sinabing sa kanya nanggaling ang mga tapes. Lalo pang lumala ang kontrobersiya nang lumantad si NBI official Samuel Ong at inilabas ang "mother of all tapes" na aniya’y ibinigay sa kanya ng isang agent ng ISAFP.

Lumalawak nang lumalawak ang "GMA tapes" na maihahalintulad sa cancer. Nginangatngat ang kredibilidad ni Mrs. Arroyo. Habang wala siyang sinasabi tungkol dito marami naman ang nanggagalaiti na malaman ang katotohanan tungkol dito. Maski ang Makati Business Club at ang Management Association of the Philippines ay nagpahayag na dapat harapin ni Mrs. Arroyo ang mga ibinabatong akusasyon. Ipag-utos daw nito ang pag-analyze sa tapes para malaman ang katotohanan. Maging ang mga mambabatas na kapanalig ng Presidente ay naniniwalang dapat sagutin ang mga kontrobersiyang nakabalot sa tapes. Limang House committees ang nagsabi na dapat i-confirm o i-deny ni President Arroyo kung siya nga ba ang nasa tapes habang nakikipag-usap kay Garcellano.

Sabi naman ng ilang miyembro ng Cabinet, dapat lamang manahimik si Mrs. Arroyo at igalang ang pasya. Sabi ng iba, maaari raw ginaya lamang ang tinig ni Mrs. Arroyo.

Hindi ganito ang gustong marinig ng taumbayan. Si Mrs. Arroyo ang dapat magsalita. Buhat sa kanyang bibig manggaling ang lahat para masubihan ang kalituhan ng mamamayan.

ALLAN PAGUIA

ARROYO

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCELLANO

IGNACIO BUNYE

LIMANG HOUSE

MAKATI BUSINESS CLUB

MRS

MRS. ARROYO

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with