^

PSN Opinyon

Ang tamang ginawa ni Ferdinand E. Marcos

- Al G. Pedroche -
DIKTADOR daw si Marcos. Totoo. Nagpayaman at nagsamantala sa kapangyarihan. Obvious din. Pero bakit siya nagtagal sa kapangyarihan? Dalawampung taon siyang naghari at kundi dahil sa mga political turmoil gaya nang pagkakapatay kay Ninoy at ang kanyang pagkakasakit nang malubha, nagtagal pa marahil ang kanyang pamumuno beyond 1986.

Marcos’ leadership held sway for a long time
dahil ipinagkaloob niya ang basic services sa taumbayan. May price control. Hindi basta-basta nakapagtataas ng presyo ang mga kompanya ng petrolyo. May Oil Price Stabilization Fund. Isang pondo na nagbibigay ng subsidiya sa presyo ng petrolyo kapag tumaas ang presyo ng langis sa world market. Kapakanan ng taumbayan ang inuna ni Makoy. Hindi ko sinasabing tama ang ginawa ni Marcos. Puwedeng siya’y naging mandarambong. Pero ibinahagi niya ang kanyang "dinambong" para guminhawa ang buhay ng marami. Well provided ang pangangailangan ng tao.

Galit kay Marcos ang mga binansagan niyang "oligarchs". Yung mga mayayamang negosyante na pinatalsik upang makopo niya at ng kanyang mga alipores ang mga pangunahing negosyo sa bansa. Pero ang epekto’y para pa rin sa interes ng mga maliliit. Mura ang bilihin. Mura ang serbisyo. Kasi kontrolado ni Marcos ang takbo ng negosyo.

Ngayon, malaking isyu ang diumano’y pandaraya sa eleksyon ni Presidente Arroyo. Malaking isyu ang pagtanggap diumano ng kanyang mga kaanak ng suhol mula sa ilegal na larong jueteng. Nagpoprotesta na ang mga tao sa lansangan at hinihingi ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Kung nakatikim man lang kahit katiting ng ginhawa ang taumbayan sa liderato ni Gloria, kesehodang nandaya siya. walang ano mang puwersa ng kanyang mga kalaban ang puwedeng magpatalsik sa kanya. Ang problema, inuna ni Gloria ang kapakanan ng mga mayayamang kompanya against the interest of the poor.

Ang halaga ng edukasyon ay mataas gayung bagsak ang kalidad. Presyo ng paninda’y sobra ang taas habang maliit ang kita ng manggagawa. Sapat na dahilan iyan para ang taumbayan ay sumuporta sa ano mang kilusan para siya patalsikin.

DALAWAMPUNG

GALIT

ISANG

KANYANG

KAPAKANAN

KASI

OIL PRICE STABILIZATION FUND

PERO

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with