EDITORYAL Laliman pa ang imbestigasyon sa jueteng
June 10, 2005 | 12:00am
MARAMI na ang nasasabik sa imbestigasyon ng senado sa jueteng. Walang ipinagkaiba sa nangyari noong December 2000 na isang Presidente ang nakaladkad ng illegal na sugal. Ngayon ay parang cancer na kumakalat na naman ang jueteng. Malawak na ang naaabot at nayayanig na naman ang bansang dati nang ginulo ng jueteng. Sangkot si First Gentleman Mike Arroyo, anak na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo at mismong ang kapatid ng First Gentleman na si Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo ay idinawit na rin ng mga bagong witnesses. Marami na ang nakakaladkad na opisyales ng Philippine National Police at habang tumatagal ang inquiry ng Senado tungkol sa jueteng palalim nang palalim pa ang paghukay. Hindi dapat tigilan ang imbestigasyon tungkol dito upang mabatid ng taumbayan ang mga nakikinabang sa jueteng.
Mas mahalagang malaman ng taumbayan ang tungkol sa jueteng scandal kaysa sa dalawang compact discs nang umanoy pag-uusap ni President Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcellano. Pinag-uusapan sa tape conversation ang tungkol sa pagmamanipula ng boto laban kay Fernando Poe Jr. Sabi ng Malacañang biktima ng wiretapping ang Presidente at ginawa ito para malagay sa masamang kalagayan. Para raw ma-destabilize ang gobyerno.
Habang naglalabasan ang kung anu-anong problema sa gitna ng kontrobersiya sa jueteng scandal na sangkot ang First Family, umuugong naman ang tungkol sa kudeta. Ayon sa intelligence source, may mga bagong grupo na naghahangad pabagsakin ang gobyerno. Ganoon man, sinabi ng Malacañang na maliit na grupo lamang ito.
Sa mga nangyayaring ito, walang ibang naiipit kundi ang mahihirap na mamamayan. Kung hindi nabulgar ang jueteng payola, mas mapagtutuunan sana ng Senado ang iba pang mahahalagang bagay na makapagbibigay ng kaunlaran sa mamamayan. Pero hindi ganito ang nangyayari ngayon sapagkat naaagaw na naman ng jueteng ang panahon ng mga mambabatas.
Ganoon pa man, walang magandang magagawa kundi laliman pa ang imbestigasyon sa jueteng at nang malaman ng taumbayan ang buong katotohanan. Hindi dapat tumigil sa pagkakataong ito na lumulutang na ang mga saksi na nagpapatotoo sa kabulukan ng mga taong kasangkot. Hayaang gumulong ang kanilang ulo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended