Boy Mayor binayaran ng P 5-M ng isang pulitiko
June 5, 2005 | 12:00am
LUMALABAS na rin ang katotohanan na nabayaran ang jueteng witness na si Wilfredo "Boy" Mayor para mag-appear sa Senate hearing sa jueteng. Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), may pulitiko na nagbayad kay Mayor ng P5 milyon para sa serbisyo niya. Siyempre pa, dahil walang-wala na si Mayor, aba, kinagat ang offer ng pulitiko at hayun, biglang nasa sirkulasyon na naman siya. Makababawi pa kaya si Mayor dahil sa ginawa niyang pag-witness sa jueteng? Marami sa mga dating kasamahan niya at mga kababayan niya ang nandidiri sa ngayon kay Mayor dahil sa "kiss and tell" siya. Pero mayroon ding natuwa sa kanya dahil sa bitbit niya ang bayag niya nang sumipot siya sa Senado bilang testigo ni Dagupan-Lingayen Arch. Oscar Cruz. He-he-he! Kahit ano man ang kahinatnan nitong jueteng probe, tiyak palaging nakakabit itong pangalan ni Mayor, di ba mga suki?
Kung ang NBI ay hindi alam kung paano nabayaran itong si Mayor, aba, si Bicol usap-usapan na ang pulitikong nagbayad sa kanya ng P5 milyon. Dahil sadsad na pala sa utang si Mayor, wala na siyang ibang paraan para maiwasang magutom ang kanyang pamilya bunga sa masikip na sa kanya ang jueteng kundi isangla ang kanyang bahay sa Doña Maria Subd. sa Daraga City nga. Ayon sa taga-Bicol, nakasangla ang bahay ni Mayor sa halagang P5 milyon sa Legaspi Savings Bank na pag-aari naman ni dating Albay Gov. Al Francis Bicharra. Ayon sa mga kapitbahay niya at mga malapit na kaibigan, maraming beses nang nakatanggap ng demand payment si Mayor sa naturang banko para bayaran niya ang kanyang utang. Pero dahil kapos siya at wala nang magpapautang sa kanya, naiwang hilong talilong si Mayor. At ang suspetsa ng taga-Bicol, itong pag-quits ng utang niya kay Bicharra ang kabayaran sa pagiging witness niya. Ano kaya ang masasabi ni Bicharra sa usap-usapan na ito sa Bicol?
Ilang beses ko nang sinasabi na si Mayor ang may pakana ng jueteng sa Albay noong gobernador pa si Bicharra. Kaya kahit anong iwas niya sa dating amo niya sa jueteng isyu, lalo lang lumalabas na katawa-tawa itong si Mayor sa mga kababayan niya. Wala kasing naniniwala sa Bicol na gratis lang ang appearance ni Mayor sa Senado. Talagang may malalim na dahilan siya at siya lang at ang kanyang konsensiya ang nakakaalam nito. At dahil sa suspetsa na ito ng taga-Bicol, maaaring mahatak pa pababa ni Mayor ang kinabukasa ni Bicharra sa pulitika. Yan ay kung totoo ang napabalitang political comeback niya. Ang tiyak lang, huhusgahan ng taga-Albay si Bicharra sa darating na 2007 local elections, di ba mga suki?
Kung sabagay, marami na rin ang lumulutang para pabulaanan ang mga sinasabi ni Mayor ukol sa jueteng sa Bicol. Kung ako ang tatanungin, may bahid ng katotohanan ang mga tinuran ni Mayor, at ang problema lang, paano niya ito mapatutunayan? Sa hanay ng public opinion, maaaring panalo si Mayor pero sa sarili niya ang kanyang pamilya tiyak ang pagkatalo niya. Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended