Huwag basta sasali sa kung anong frat
May 20, 2005 | 12:00am
MAY masamang naganap sa isang exclusive boys Catholic high school sa Pasay bago magtapos ang pasukan. Nag-i-snacks ang tatlong estudyante, isang 2nd year at dalawang 4th year, sa katapat na burger joint nang lapitan ng tatlong estrangherong binata. Sinabihang hinihintay sila ng pinuno ng fraternity binanggit ang Greek letters para ma-interview sa 4th floor ng mall. Iwanan daw nila ang bags nila at tumakbo sa taas dahil baka magalit sa kahihintay ang boss-chief.
Sa takot o curiosity, sumunod ang tatlong bata. Sinamahan sila ng isa sa tatlong binata, pero hanggang 2nd floor lang. Pagdating nila sa 4th floor, wala naman naghihintay doon. Dali-dali silang bumalik sa restoran. Siyempre pa, wala na ang tatlong estranghero at ang kanilang bags na lulan ang wallets, cellphones at libro.
Leksiyon ito sa high school students. Walang principal na payag magka-frat sa high school. Puwede lang ito sa college, at sa ilan lang tulad ng U.P. o Ateneo law school atbp., at sa ilalim lang ng mahihigpit na rules. Iniiwasan kasi nilang mapahamak ang mga estudyante sa hazing, na labag sa batas, o sa rumble kung saan maari silang makapatay o mapatay.
Kung may nagre-recruit sa frat sa high school, huwag sasali. Kasi ang "masters", baka naghahanap lang ng mapapag-palipasan ng excess energy sa pagsuntok at pagsipa sa "neophytes". Kung mag-recruit man sila ng mga babae sa sorority kuno, baka naghahanap lang din ng mapapag-parausan ng sex drive.
Kung nasa kolehiyo at nire-recruit sa fraternity o sorority, alamin muna kung seryoso ang mga samahang ito o barkadahan lang. Ang mga tunay na frat at soro, ay mga mahuhusay na adhikain, tulad ng academic excellence o pagka-makabayan ng mga brods at sisses. Siyempre pa, lahat ng frat at soro ay nagpepresentang mabubuting samahan. Pero marami ay peke, at nangraraket lang ang mga pinuno.
E-mail: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended