Ang watershed
May 16, 2005 | 12:00am
AYON sa mga pag-aaral ng United Nations, higit sa 1.2 bilyong tao sa buong mundo ay salat sa malinis na tubig at higit sa dalawang bilyon ay kulang sa tamang sanitasyon.
At ayon sa International Water Management Institute (IWMI), sa 2025, mga 2.7 bilyong tao nang inaasahang populasyon ng buong mundo ay mamumuhay sa mga rehiyon na kulang na kulang sa tubig, kung saan higit na pinakaapektado ang Asya at Sub-Saharan Africa.
Hanggat walang konkretong programa upang madagdagan ang pandaigdigang supply ng fresh water, ang mahalagang yaman na ito ang pagmumulan ng global crisis sa susunod na 30 taon.
Dito sa ating bansa, inalam ng National Irrigation Administration ang 136 watersheds o tubig kanlungan na sumasakop sa 4.5 milyong ektarya ng lupa ay nasa kritikal na kondisyon. Sa mga lupaing ito nakatira ang may 6.88 na Pilipino o siyam na porsiyento ng national population.
Ang mga watershed ay mga geographic area kung saan lahat ng pinagmumulan ng tubig tulad ng lawa, ilog, sapa, wetlands at estuaries pati na ang groundwater ay patungo sa iisang surface body. Ito ang mga nagsusuplay ng tubig patungo sa ibat ibang irrigation systems, hydroelectric dams kabilang ang domestic at industrial water system sa bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended