^

PSN Opinyon

Sexy actress na anak ng pulitiko nagbebenta na ng short time na aliw

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nagbebenta na ng short time na aliw ang isang actress na dating "pantasya ng bayan"?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Rep. Harlin Abayon ng Northern Samar; Rep. Gregorio Ipong ng North Cotabato; Millimicent Cadiz, Antonio Cadiz ng Iloilo City; Maura Ramos at Ana Cruz ng Metrobank.
* * *
Alam n’yo bang rumarampa na ngayon ang isang maganda at seksing actress na anak ng isang pulitiko sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubuwit sa isang five-star hotel, pati siya nagulat din noong una niyang makita si Actress na pumasok sa kuwarto ng isang Chinese businessman.

Si Actress at ang customer niyang businessman ay nag-check-in sa isang hotel sa Makati na nasa kanto ng Ayala Ave. at Makati Ave.

Para hindi obvious na magkasama ang dalawa, una munang pumasok sa kuwarto ang isang businessman na nakilala sa pangalang Mr. Howard Co.

Makalipas ang ilang minuto ay sumunod naman si Actress sa kuwarto ng nasabing businesman.

Hanep, magkano kaya ang talent fee ni Sexy Actress? Ipapa-research natin ’yan sa ating bubuwit.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, sa isa pang pagkakataon ay nakita naman si Sexy Actress sa nasabi ring hotel na kasama naman ang isang import player ng PBA.

Ang PBA player na naka-date ni actress noong Huwebes Santo ay ang boyfriend ng isa ring sexy actress na kasama pa niya sa isang TV show tuwing Biyernes.

Sila ay nag-check-in ng dakong 10 p.m. hanggang 12 ng tanghali kinabukasan.

Para hindi obvious na magkasama sila sa kuwarto ng hotel, unang pumasok si PBA player at saka sumunod si Actress.

Kinabukasan naman ay unang lumabas si Actress at sumunod naman ang basketball player.

Ang PBA player na naka-date ni sexy actress ay mula sa isang koponan ng produktong inumin.

Siya ay si Mr. R.H.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang maganda at sexy actress na anak ng pulitiko na nagbebenta na ng short time na aliw ay si actress…

Dati na ring na-linked si Actress sa isang opisyal ng Philippine National Police.

Simula nang maghiwalay sila ng kanyang boyfriend na actor ay madalas na siyang makitang nakikipag-date sa iba’t ibang lalaki.

Siya ay napapanood sa telebisyon ng mga ka-puso tuwing Biyernes ng gabi. Siya ay anak ng isang dating congressman sa Metro Manila.

Siya ay walang iba kundi si actress M.A. as in Magandang Ala-ala.

vuukle comment

ACTRESS

ANA CRUZ

ANTONIO CADIZ

AYALA AVE

AYON

ISANG

METRO MANILA

SEXY ACTRESS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with