Panawagan sa pamunuan ng Western Police District
May 9, 2005 | 12:00am
NALALAPIT na naman ang buwan na Hunyo kung saan magbubukas ang mga pribado at pampublikong unibersidad sa kamaynilaan.
Ngayong buwan pa lamang ng Mayo, abala na ang mga estudyante sa pag-eenroll sa iba-t-ibang unibersidad. Ito rin ang panahong hinihintay ng ilang malikhaing sindikato, kabilang na ang mga holdaper na namamayagpag sa area ng University belt.
Nitong nakaraang linggo lamang inulan kami ng text messages mula sa mga magulang at estudyanteng nabiktima ng mga dorobong ito
Wala daw pinipiling lugar at biktima ang mga ito. Malalakas ang loob at walang takot. Sabagay, sino nga ba naman ang matatakot kung wala namang pulis na huhuli sa iyo?
Kadalasan sa kanilang mga biktima yung mga pobreng estudyanteng walang kamuang-muang at bagong salta dito sa Maynila.
Isa sa nakikitang problema ng mga estudyantet magulang ang kawalan ng mga pulis na naka-duty sa mga lugar kung naroon ang mga unibersidad.
Naglalaro tuloy sa aming isipan na baka naman mayroong naman talagang mga pulis na naka-assign sa area ng U-belt
Iyon nga lang, hindi sila nakikita dahil nasa loob sila ng mga bilyaran. Tulad ng apat na pulis na taga Station 4 na nahulog sa aming BITAG ng minsan naming ni-raid ang mga establisyimentong ito.
Malaking tulong daw para sa mga estudyantet mga magulang ang pagkakaroon ng police visibility sa area ng University belt.
Pinapakalampag ng mga magulang na ito ang pamunuan ng Western Police District (WPD). Huwag daw magtulog-tulugan sa kalagayan ng kanilang mga anak
Hinaing pa ng ilang mga magulang, kung ngayong bakasyon pa lamang ay wala na silang makitang proteksyon para sa kanilang mga anak, ano pa kaya ang aasahan nila sa darating na pasukan
Hotline numbers, tumawag sa 9328919 / 9325310 o magtext sa 09189346417 / 0927-8280973. Bahala si Tulfo, Lunes-Biyernes, 9:00 10:30 a.m. sa UNTV 37, 9:00-10:00 a.m. sa DZME 1530 KhZ.
Ngayong buwan pa lamang ng Mayo, abala na ang mga estudyante sa pag-eenroll sa iba-t-ibang unibersidad. Ito rin ang panahong hinihintay ng ilang malikhaing sindikato, kabilang na ang mga holdaper na namamayagpag sa area ng University belt.
Nitong nakaraang linggo lamang inulan kami ng text messages mula sa mga magulang at estudyanteng nabiktima ng mga dorobong ito
Wala daw pinipiling lugar at biktima ang mga ito. Malalakas ang loob at walang takot. Sabagay, sino nga ba naman ang matatakot kung wala namang pulis na huhuli sa iyo?
Kadalasan sa kanilang mga biktima yung mga pobreng estudyanteng walang kamuang-muang at bagong salta dito sa Maynila.
Isa sa nakikitang problema ng mga estudyantet magulang ang kawalan ng mga pulis na naka-duty sa mga lugar kung naroon ang mga unibersidad.
Naglalaro tuloy sa aming isipan na baka naman mayroong naman talagang mga pulis na naka-assign sa area ng U-belt
Iyon nga lang, hindi sila nakikita dahil nasa loob sila ng mga bilyaran. Tulad ng apat na pulis na taga Station 4 na nahulog sa aming BITAG ng minsan naming ni-raid ang mga establisyimentong ito.
Malaking tulong daw para sa mga estudyantet mga magulang ang pagkakaroon ng police visibility sa area ng University belt.
Pinapakalampag ng mga magulang na ito ang pamunuan ng Western Police District (WPD). Huwag daw magtulog-tulugan sa kalagayan ng kanilang mga anak
Hinaing pa ng ilang mga magulang, kung ngayong bakasyon pa lamang ay wala na silang makitang proteksyon para sa kanilang mga anak, ano pa kaya ang aasahan nila sa darating na pasukan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended