^

PSN Opinyon

Kahit di-Katoliko sa US ay hangang-hanga kay Pope John Paul II

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HALU-HALO ang relihiyon ng mga tao sa United States –may Katoliko, Hudyo, Muslim, Baptist ngunit karamihan sa kanila ay mga Protestante. Si US President George W. Bush ay Protestante at nalaman ko na karamihan sa mga kasamahan niyang opisyal ng kanyang administrasyon ay mga Protestante rin.

Nabanggit ko ito sapagkat namangha ako sa nakita kong pagkalungkot at pagluluksa ng mga Amerikano kahit na hindi Katoliko sa pagkamatay ni Pope John Paul II. Narinig ko kung paano nila binigyan ng magagandang papuri at halos sambahin ang yumaong Santo Papa samantalang magkakaiba ang kanilang mga reliyon. Si Bush ay isa sa mga matataas na pinuno sa daigdig na nagtungo sa Vatican at personal na nakiramay sa yumaong Santo Papa.

Ang isa pang nakagugulat ay ang napansin kong pagkasabik ng mga Amerikano kung sino ang mapipiling bagong Santo Papa. Hindi sila napuknat sa pagsubaybay sa telebisyon mula sa pagkamatay at paglilibing ng namayapang Santo Papa. Sinubaybayan din nila ang botohan ng 115 Cardinals para humirang ng bagong Santo Papa. At walang pagsidlan sa tuwa ang mga Amerikano nang mahirang si German Cardinal Joseph Ratzinger bilang kapalit ni Pope John Paul II. Si Cardinal Ratzinger ay pinangalanang Pope Benedict XVI.

AMERIKANO

GERMAN CARDINAL JOSEPH RATZINGER

KATOLIKO

POPE BENEDICT

POPE JOHN PAUL

PRESIDENT GEORGE W

SANTO PAPA

SI BUSH

SI CARDINAL RATZINGER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with