^

PSN Opinyon

Likas-kayang pag-unlad

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
IDINEKLARA ng mga scientists at environmentalists sa ginanap na 1992 Rio Earth Summit na mabilis na nauubos ng sangkatauhan ang mga likas yamang akala natin ay walang katapusan na nagbibigay sa atin ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, masisilungan, tubig at iba pa.

Dahil sa mabilis na pagkaubos ng natural resources o pinagkukunan natin ng ating pangangailangan sa araw-araw, nabuo ang Agenda 21 na naglalayong ipatupad ang sustainable development na makapagpapabago ng ating paraan ng paggamit natin ng mga likas na yaman.

Dahil sa kagustuhan ng pamahalaan na maisalba ang natitira pang likas na yaman, hindi lang ng ating bansa kundi ng buong mundo, patuloy ang pagsasakatuparan ng sustainable consumption. Makalipas ang isang dekada nabuo ang World Summit on Sustainable Development sa Johannesburg noong 2002. At kamakailan lamang ay binuo rin ang United Nations Millennium Development.

Ang mga programang ito ay nagtatakda upang maisakatuparan ang mga hakbangin ukol sa likas-kayang pag-unlad. Ang layuning ito ang pilit na inaabot upang maisalba sa panganib ang buong sangkatauhan.

Ang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay isa lamang sa napakaraming bansang nagpapatupad ng mga programang sumusuporta sa mga layuning ito.

ANG PILIPINAS

DAHIL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

LIKAS

MAKALIPAS

RIO EARTH SUMMIT

SUSTAINABLE DEVELOPMENT

UNITED NATIONS MILLENNIUM DEVELOPMENT

WORLD SUMMIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with