Wala naman halos niyog sa Agusan
April 19, 2005 | 12:00am
BAKIT nga ba ibubuhos ang P8.4 bilyon ng coconut levy funds halos 10% ng kabuuang kinupit ni Marcos sa mga magsasaka sa probinsiya lang ng Agusan del Sur? Talagang papalag ang 67 na iba pang probinsiyang nag-ambag sa coco levy. Kasi nga naman, batay sa records ng Philipine Coconut Authority, katiting na 0.02% lang ang kontribusyon ng Agusan del Sur nang kinolektahan ang levy nung 1973-1982. Lugi ang mga probinsiya kung saan mas marami ang magniniyog kaya mas malaki ang niluwal sa coco levy. Wala naman halos niyog noon sa Agusan del Sur, at katiting pa rin ang coco production nito ngayon kumpara sa traditional coconut areas.
Payo ni Ka Oca Santos, dating mambabatas at matandang boses ng maliliit na magniniyog, dapat makatarungan ang paghahati-hati ng levy. Magagawa ito kung ang pamamahagi ay proportional sa copra production nung panahon ng levy. May formula si Ka Oca para dito: copra production ng probinsiya nung 1973-1982 DIVIDED BY total national production TIMES total amount available. Kumbaga, kung ano ang ipinunla (inambag), siyang aanihin (parte).
Anang Coconut Industry Investment Fund, gagamitin daw ang P8.4 bilyon sa ekta-ektaryang hybrid coconut nursery farm ng Agusan Reserve Area Development Project. Agusan del Sur lang daw ang merong ganung kalaking public land para magparami ng hybrid na ipapamahagi naman sa buong bansa. Siksik na raw kasi ang ibang coconut provinces sa private lands sa ilalim ng land reform.
Oo ngat dapat palitan na ang matatandang coconut trees ng bata. Hindi kasi lahat ay kaya pabungahin uli ng bagong fertilizer na "coconut Viagra". At pinaka-mabisang pamalit ay hybrid: mabilis lumaki, matibay, punggok, pero mayabong magbunga. Pero bakit kailangan ganun kalaki ang lupa para sa hybrid project? Hindi ba puwedeng mas maliit pero kalat, para magkaroon ang bawat rehiyon imbis na northeast Mindanao lang? Kung bawat rehiyon ay may hybrid farm, mas madaling makakabili ang magsasaka, at mapapangasiwaan ng local officials.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended