^

PSN Opinyon

Focus crimes sa WV, bumaba sa buwan ng Setyembre!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

BUMABA ng 11.68 percent ang eight focus crimes sa Western Visayas sa buwan ng Setyembre, ayon kay PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tua?o. Ayon sa datos, may 121 kaso ang naitala ng PRO6 sa buwan, kumpara sa 137 noong nakaraang taon. Siyempre, malaki ang naiambag sa pagbaba ng focus crimes ang pagwalis ni Tuaño sa kalye ng loose firearms at maging ng droga. Anong sey n’yo mga kosa? Para mapababa pang lalo ang focus crimes, patuloy na sinusubaybayan ng PRO6 ang mga crime trends upang matukoy ang mga lugar na nangangailangan ng higit pang police presence, preventive measures, at koordinasyon sa komunidad. “Magandang senyales ang pagbaba ng mga kaso, pero hindi dito nagtatapos ang ating trabaho. Patuloy nating titingnan kung saan may mga concern at sisiguraduhin nating nakatuon ang ating mga police efforts sa tunay na pangangailangan ng ating mga komunidad,” ani Tuaño. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan/

Mahigit 3,300 baril ang nakuha sa buong Western Visayas noong Setyembre 2026, bilang bahagi ng patuloy na kampanya upang maisulong ang responsableng pagmamay-ari ng baril at mapalakas ang kaligtasan ng mga komunidad. Nakapagtala ang PRO6 ng 2,755 operasyon na may kaugnayan sa firearms noong Set­yembre, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 33 indibidwal at pagkakasamsam ng 38 baril. Karagdagang 3,282 baril naman ang kusang isinuko o ipinagkatiwala sa mga awtoridad, habang 25 baril ang idineposito para sa kaukulang disposisyon.Nagsagawa rin ang mga police units ng 22 house visitation bilang bahagi ng patuloy na pagtukoy at pag-account sa mga baril at paghikayat sa pagsunod sa umiiral na mga regulasyon.Itong mga baril ay ginagamit sa krimen Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa parte naman ng droga, nagsagawa ng 122 operasyon ang PRO6 last month na nagresulta sa pagkaaresto ng 159 indibidwal, at pagkasamsam ng droga na nagkakahalagang P42.43 milyon. Wow na wow! Sa kabuuan, ang nasamsam na ebidensiya ay umabot sa 6,234.86 gramo ng shabu, 161.10 gramo ng marijuana, walong gramo ng kush, at tatlong millilitro ng liquid marijuana. “Mahalaga ang mga numerong ito, pero mas mahalaga kung ano ang ibig sabihin nito para sa ating mga komunidad.,” ang pahayag ni Tuaño. Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with