^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Pag-amyenda ng SC sa rules of detention and release

Pilipino Star Ngayon

SA kanyang talumpati sa Justice Sector Coordinating Council (JSCC) Summit kamakailan, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na inaamyendahan ng Supreme Court ang rules sa detention at release upang maisama ang house arrest, medical confinement at community-supervised release bilang alternatives sa pagkakakulong.

Pinag-aaralan din ang compassionate release para sa matatanda, may malubhang karamdaman at iba pang maaaring kuwalipikado sa humanitarian release.

Muling inilalagay nito sa sentro ng usapan ang matagal nang problema ng jail overcrowding sa Pilipinas.

Pero higit sa kakulangan ng espasyo sa kulungan, mas mahalagang tanungin kung dapat bang detention agad ang default sa bawat kaso, lalo na kung hindi pa naman nahahatulan ang isang tao.

Sa datos na binanggit ng Supreme Court, humigit-kumulang 181,000 ang persons deprived of liberty sa bansa.

Noong Hulyo 2025, 87.32 porsiyento ng mga nasa BJMP facilities ay nasa investigation, trial o naghihintay pa ng final judgment.

Ibig sabihin, malaking bahagi ng mga nakakulong ay hindi pa finally convicted.

Dito makikitang hindi lang kakulangan sa selda ang problema. Kapag mabagal ang investigation, prosecution at pagresolba ng kaso, natural ding naiipon ang mga taong naghihintay ng hatol.

Mismong si Gesmundo ang nagsabing ang overcrowding ay hindi problemang dapat iasa lamang sa correctional system dahil may bottlenecks sa iba’t ibang bahagi ng justice process, mula initial investigation hanggang final release.

Hindi naman ibig sabihin nito na basta palalayain ang mga akusado.

Ang house arrest at community supervision ay dapat may malinaw na qualifications, judicial oversight at maaasahang monitoring.

Kailangang isaalang-alang ang bigat ng kaso at kung panganib ba sa publiko ang isang akusado.

Pero kung may ligtas at legal na alternatibo, hindi dapat awtomatikong ­kulungan ang unang sagot.

Ang tunay na decongestion ay hindi lang pagpapaluwag ng selda. Kailangan ding pabilisin ang hustisya at tiyaking ang pagkakakulong ay ginagamit kapag talagang kailangan, hindi dahil iyon lang ang nakasanayang opsiyon.

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with