^

PSN Opinyon

Ang paninigarilyo at ang diet (Unang bahagi)

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
HINDI lamang sakit sa puso at respiratory diseases ang kinakaharap ng mga naninigarilyo kundi maging ang cancer sa baga, bibig, bituka, pancreas, bladder, rectum at dugo (leukemia). Kalahati ng mga naninigarilyo ay namamatay dahil sa kanilang pagkasugapa sa bisyo. Ang pinakamahusay na magagawa ng mga naninigarilyo ay itigil ang bisyong ito nang daglian.

Para sa mga naninigarilyo ang diet ay may mahalagang papel para maiwasan ang masamang epekto ng bisyong ito. Ang pamumuhay na punumpuno ng stress, poor nutrition, mataas na kunsumo ng mamantikang pagkain at maaalat at pag-inom ng sobrang alak ay nag-iincrease sa panganib na magkaroon ng malubhang sakit ang smokers.

Mayroon nang ebidensiya na ang mga smokers ay may pangangailangan sa Vitamin C. One theory is that it is used by the body when fighting the free radicals in smoke and to prevent the formation of nitrosamines. Ang nitrosamines ay cancer forming agents na nalilikha mula sa nitrogen compounds sa pagkain. Sa mga isinagawang tests, nakita na ang mga naninigarilyo ay kulang ng 30 percent sa Vitamin C sa kanilang dugo kaysa sa mga hindi naninigarilyo.

Dahil ang mga naninigarilyo ay nagagamit nang mabilis ang Vitamin C nararapat na kumain sila nang maraming sariwang prutas at gulay upang makasiguro ng tamang intake ng vitamin. Inirerekomenda na ang mga smoker ay dapat may daily intake ng 40-80 mg. ng Vitamin C. Ang mga non-smokers ay rekomendado na magtake ng Vitamin C ng 40 mg. Ang Vitamin C, E at beta carotene ay ginagamit ng katawan bilang antioxidants para masira ang free radicals na nakukuha sa paninigarilyo. Ang Vitamin E ay matatagpuan sa wheatgerm, avocado, vegetable oils, nuts and seeds. Ang beta carotene ay matatagpuan sa mga prutas at gulay.

ANG VITAMIN C

ANG VITAMIN E

DAHIL

INIREREKOMENDA

KALAHATI

MAYROON

NANINIGARILYO

VITAMIN

VITAMIN C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with