^

PSN Opinyon

Matulis na governor, nagpatayo ng 5 mansion para sa kanyang 5 chiching

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang ipinagpatayo ng isang governor ng tig-isang mansion ang kanyang limang chiching sa kanilang probinsiya?

Ayon sa ating bubuwit, belated happy birthday kay Camarines Sur Cong. Rolando "Nonoy" Andaya Jr., Laguna Cong. Danton Bueser, La Union Cong. Tomas Dumpit, Bert Magbuhat ng PDIC at Engr. Adlai Cabuyadao ng DPWH.
* * *
Alam n’yo bang nagugulat ang mga kababayan ng isang gobernador kung saan ito kumukuha ng salapi at nagawa niyang ipagpatayo ng tig-isang mansion ang lima niyang chiching?

Ayon sa aking bubuwit, bukod sa mala-palasyong bahay ni Governor at ng kanyang original na misis ay ipinagpatayo rin niya ng malalaking bahay ang kanyang mga siyota.

Dahil sa ganitong luho ng naturang local official, nagagalit naman ang maraming constituents ni Governor.

Mantakin n’yo nga naman, sa kabila ng kahirapan ng kanyang mga kababayan ay mga naglalakihang mansion naman ang ipinatayo nito.

Hanep, super laki pala ang mansion na tinitirhan nila ng kanyang original na misis sapagkat tila mas malaki pa ito sa palasyo ng Malacañang.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang limang mansion na ipinatayo ni Governor para sa kanyang mga chiching ay halos magkakatabi lamang.

Ito ay itinayo sa iisang kalye sa kanilang probinsiya. At ang mga ito ay kumpleto ng mga mamahaling furnitures.

May mga nakaparadang magagarang sasakyan tulad ng Ford Expedition at heavily guarded pa ang mga ito.

Ang bawat mansion ay may nagbabantay na mga armadong kalalakihan sa loob ng 24 oras.

Takot kaya si Governor sa kanyang mga kababayan at sangkatutak ang kanyang mga bodyguards?

Pati ang kaniyang limang chiching ay may mga armado ring bodyguards.

Naghihimutok naman ang mga kababayan ni Governor sapagkat halos wala na silang makain at wala rin silang nakukuhang tulong mula sa kaniya.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, malaki ang hinala ng mga constituents ni governor na galing sa IRA o Internal Revenue Allotment ang mga ipinagpatayo sa limang mansion ng kanyang mga chiching.

Muslim kasi si Governor kaya puwede pa siyang kumuha ng apat na asawa. Kaya lang sumobra yata dahil lima ang inasawa.

Batay sa batas ng mga Muslim ay dapat hanggang apat lamang ang kanilang asawa kung kayang suportahan.

Nahawa rin yata itong opisyal kay dating ARMM Gov. Nur Misuari na ibinili naman ng tig-isang brand new Volvo car ang kanyang mga chiching noong siya ay nasa tungkulin.

Ayon sa aking bubuwit, ang governor na nagpatayo ng limang mansion para sa kanyang mga chiching ay si Governor... Governor A. as in Abu Sadoh ng Mindanao.

vuukle comment

ABU SADOH

ADLAI CABUYADAO

ANDAYA JR.

AYON

BERT MAGBUHAT

GOVERNOR

KANYANG

MANSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with