^

PSN Opinyon

3 senador naghahanda na sa 2010 presidential elections

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang naghahanda na ngayon ang tatlong senador para sa kanilang planong pagkandidato sa 2010 presidential elections?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Bro. Gen. Rudy Diaz ng Marines; Raymond Dagpaas ng DZRH; Mayor Cesar Dy ng Cauayan, Isabela; Corazon Maramba at Rency Domingo ng BPI-Pasay Road branch, Makati City.
* * *
Alam n’yo bang malayo pa ang presidential elections subalit naghahanda na ang tatlong senador para sa kanilang kandidatura?

Diyos ko po, limang taon pa bago ang election para sa presidente at bise presidente, naghahanda na ang mga damuhong ito?

Sabagay, may kasabihan tayong daig ng maagap ang masipag. Kaya siguro naghahanda na ang mga ito sa matinding labanan sa pulitika.

Ayon sa aking bubuwit, ang isang indikasyon ng paghahanda ng tatlong senador ay ang kanilang political realignment.

Sila ay sumapi na sa mga political parties na maaari nilang gamitin sa susunod na election.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang lumang dalawang partido noong bago pa man ideklara ang batas military ay muling binuhay.

Ito ang inaasahang palalakasin ng mga senador na ito. Ang tinutukoy kong old political parties ay ang Nacionalista Party (NP) at ang Liberal Party (LP).

Ang Liberal Party ay ang partido noon ng lolo at tatay ng isang senador. Ito ang maaaring gamitin niyang partido sa kanyang kampanya. Ito ay nire-organize na at lalo pa ngayong pinapalakas sa mga probinsiya.

Ang Nacionalista Party ang inaasahan namang gagamiting partido ng isa pang senador na nagbabalak ding kumandidato sa pagka-presidente.

Ang dalawang senador na kasapi ngayon ng NP at LP ang inaasahang matindi ang labanan sa election.

Pareho kasing mayaman ang dalawang pulitikong ito. Sila ay inaasahang gagastos ng bilyung-bilyong piso.

Wow, ito ang labanan ng pera. Mukhang ubusan ito ng kayamanan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang isa namang senador na may plano ring kumandidato sa 2010 ay wala pang malinaw na kinaanibang political party.

Magulo kasi ang dati nitong partido kaya ito ay kumalas at naging independent na lamang.

Pero siya ay hinihikayat naman ng ibang opisyal ng LP na sumama sa kanilang partido.

Bagamat hindi masyadong mayaman ang senador na ito kumpara sa dalawang senador mula sa mayamang pamilya, siya naman daw ay marami nang naipon at suportado pa ng Chinese community.

Ayon pa sa aking bubuwit, kung kakandidato ang tatlong senador sa pagka-presidente, ang kasalukuyang bise-presidente ay maaari ring sumabak sa presidential derby.

Kasi, kung marami silang kandidato, malakas ang kanyang tsansa sapagkat ito ay napaka-popular.

Ang tatlong senador na naghahanda na para sa 2010 presidential elections ay sina Senators R, V at L.

vuukle comment

ANG LIBERAL PARTY

ANG NACIONALISTA PARTY

AYON

CORAZON MARAMBA

LIBERAL PARTY

MAKATI CITY

MAYOR CESAR DY

SENADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with