^

PSN Opinyon

Commercial model niregaluhan ng kotse at relo ng senador

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang commercial model naman ngayon ang kinalolokohan ng isang miyembro ng Senado?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Ms. Fe Banta ng DZRH; Melvyn Donato, Ricky Lo, John Francis, Jame Paul & Mark Lester Galvez at Ito ‘‘Jango’’ Domingo ng Licab, Nueva Ecija.
* * *
Alam n’yo bang may bagong chiching na kinalolokohan ngayon ang isang senador?

Ayon sa aking bubuwit, matindi ang tama ng nasabing mambabatas sapagkat ito ay niregaluhan pa ng bagong sasakyan at mamahaling relos.

Mukhang ‘‘material girl’’ ang natipuhan ni Mr. Senator o talagang na-inlove nang husto sa chiching.

Ayon sa aking bubuwit, ang iniregalo ng senador sa chiching nitong model ay Bulgari ladies watch at isang Honda CRV.

Naku, aabot yan nang mahigit isang milyong piso. Hindi ko akalaing ganyan pala ka-galante si Senator sa babae?

Ayon sa aking bubuwit, ang bagong chiching ni Senator na model ng isang commercial sa TV ay isang dating beauty contestant.

Lumahok ito sa Bb. Pilipinas beauty pageant subalit hindi naman sinuwerteng nanalo.

Pero, siya ay napabilang naman sa mga semi-finalists at dito naman siya nanalo para maging model sa isang TV commercial. Siya yung model na sumigaw ng ‘‘Magnanakaw!’’

Mas malaki pa yata ang kanyang talent fee rito kesa doon sa napanalunan ng reyna ng Bb. Pilipinas.

Bukod sa talent niya sa komersiyal ay higit namang mas malaki ang kanyang kinita mula kay Mr. Senator.

Naku, Senate President Franklin Drilon, baka naman sa ‘‘pork barrel’’ kinuha ni Senator yung ipinangregalo nitong sasakyan at relo sa kanyang chiching.

Naku, patay kang bata ka senator. Kapag nalaman ito ni misis, lagot ka na naman.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang senator na nagregalo ng Honta CRV at Bulgari watch sa kanyang siyotang model ng komersiyal sa TV ay si senator…

Mahilig ka pala senator sa mga medyo batambatang chiching ha. Sabagay mga paga-beauty dos hanggang betty-kuwatro anyos na siguro ano.

Ang naturang senador ay walang iba kundi si Senator… Sabagay, meron kasing pinagmanahan ito kaya matulis din.

Siya ay si Sen. J as in Jopay.

vuukle comment

AYON

BULGARI

ISANG

JAME PAUL

JOHN FRANCIS

MARK LESTER GALVEZ

MR. SENATOR

NAKU

SENATOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with