^

PSN Opinyon

Paglakad ng titulo,mabilis na

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
DATI-RATI’Y ubod ng bagal ang pagproseso ng mga papeles ng mga taong nagpapati- tulo ng lupa. Ngunit dahil sa mga reporma natin, nagawang 12 hanggang 16 linggo na lang ang paglakad kumpara sa dating 49 na buwan.

Maliban sa pagbabawas ng kukuning pirma, nagtayo rin ang pamahalaan ng 15 ‘‘one-step shops’’ sa buong bansa para hindi na kaila- ngang pumunta pa sa Maynila ang mga taga-probinsiyang nilalakad ang titulo nila sa lupa. Lead agency ang DENR, kasama ang mga kawani mula sa mga local government units at iba pang ahensiya na may kinalaman sa pagtititulo at administrasyon ng lupa tulad ng Registry of Deeds, Department of land Reform at Bureau of Internal Revenue.

Dahil sa mga pagbabagong ito na ginawa ng DENR, naipamahagi noong taong 2004 ang may 2,648 na Certificates of Entitlement for Lot Allocation (CELA) sa mga residente sa North Bay at Parola sa Tondo, Manila; Barangay Escopa sa Quezon City; Signal Village sa Taguig at Lucena sa Quezon.

Nakagawa rin ang DENR ng may kabuuang 1,462 deeds of sale, para sa apat na bara- ngay ng Taguig ayon sa Proclamation 172 na nagsasaad sa pamamahagi ng farm at resi- dential lots.

May 551,260 pamilya din ang nakinabang sa pamamahagi ng kabuuang 110,252 land patents na sumasakop sa may 125,863 ektarya ng lupain. Ito ay umabot sa 110 porsiyento sa target noong 2004 sa pamimigay ng mga lupain. Ang pamamahagi ng mga lupain ay pagtupad sa reporma sa lupa para sa mahihirap nating mga kababayan.

BARANGAY ESCOPA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CERTIFICATES OF ENTITLEMENT

LOT ALLOCATION

NORTH BAY

QUEZON CITY

REGISTRY OF DEEDS

SIGNAL VILLAGE

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with