^

PSN Opinyon

Hindi ako natatakot sa banta mo Senior Insp. Albert Juan !

- Bening Batuigas -
SINIMULAN na mga suki, ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Avelino Razon,Jr., ang pagsibak sa mga pulis na sangkot sa paglaganap ng mga video karera sa lungsod ng Maynila.

Unang tinamaan ng hagupit ni Razon ay sina Police Senior Inspector Albert Juan, ang hepe ng Operation ng Western Police District-Special Operation Group, (WPD-SOG) Manila City Hall Detachment at ang kanyang Deputy na si PO1 Roland Sy.

Si Juan ay sinibak matapos ireklamo ng isang reporter na si German Roque na nagbantang isusunod kay P/Supt. Manolo Martinez. Nagalit umano si Juan ng aking ibunyag ang kanyang koneksyon kay video karera king Randy Sy ang untouchable na nilalang sa kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza

At dahil sa aking pagbulgar sa ginagawang pagbibigay ng proteksyon ni Juan at pagsilbing locator kay Randy Sy (ang inaanak ni Manila Mayor Atienza) upang ikalat ang mga makina nito sa buong Tondo. Ito ang nagbunsod upang magalit at komprontahin ni Juan si Roque sa mga impormasyong aking naisulat ng sila ay magkita sa tanggapan ng SOG. Agad sinugod ni Juan si Roque at pinagmumura at sabay sabing "Ikaw (Roque) ayaw mong tumigil isusunod ko kayong itutumba ni Bening Batuigas kay Col. Martinez."

Hindi man lamang nag-isip si Juan bago siya magbitaw ng ganong salita. Ngunit hindi ko isinasantabi ang naturang banta, nasanay na rin ako sa mga bantang natatanggap araw-araw, ito’y bahagi ng aking hanapbuhay. Hindi ito hadlang para ako ay tumahimik na lamang sa isang tabi at magbingi-bingihan. Handa pa rin ako na ibulgar ang lahat ng mga illegal na aktibidades ng mga pulis na umaabuso sa kanilang tungkulin.

Nadamay ding nasibak si PO1 Roland Sy ang deputy ni Juan dahil sangkot umano ito sa pagbibigay ng proteksyon sa kanyang kapatid. Si Sy umano ang lumulutang sa mga presinto at nakikipag-usap sa mga hepe ng pulis kapag hinuli ang makina ng kanyang kapatid. Marami ring mga pulis ang humanga kay Roland Sy dahil sa angking kakaibang kakayahan na maging deputy operation chief gayong Police Officer-1 pa lamang ito. Iba talaga ang may minang angkin kaya kahit sino ay kayang paglalangan kapag ang salapi ang nakalutang, he-he-he!

Inabot din ng hagupit ni Razon ang motorcycle escort ni Gen. Bulaong na si Benny Go matapos na maglabasan sa iba’t ibang pahayagan na nagpakalat ng VK sa anim na distrito ng Maynila, gayon din si SPO4 Ruben Esteban ng Station-7. Silang apat ayon kay Razon ay nakatakdang ipadala sa training Camp.

Sana mga suki, maging totohanan na ito at hindi ningas cogon lamang ni Razon upang ang muling maibalik ang tiwala ng masa sa liderato ng Philippine National Police (PNP). Kaya kayong mga pulis na mahilig pumatong sa mga illegal na video karera, humanda na kayo baka sa susunod kung topic kayo naman ang aabutin ng galit ni Razon.

Oh, ayan mga suki nabasa na ninyo ang sampol ni Razon. Abangan pa ninyo na marami pang pulis ang babaklasin ni Razon sa kanilang puwesto.

vuukle comment

BENING BATUIGAS

BENNY GO

DIRECTOR AVELINO RAZON

GERMAN ROQUE

JUAN

MANILA CITY HALL DETACHMENT

RANDY SY

RAZON

ROLAND SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with