^

PSN Opinyon

"Malalim ba ang text gambling na ito ?"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NUNG LUNES ISUNULAT KO ANG PAHAYAG NG PHILIPPINE GAMING AND AMUSEMENT CORPORATION (PAGCOR) TUNGKOL SA MGA PAHAYAG NITONG SI DR. ROGELIO QUEVEDO NG SMART COMMUNICATIONS, INCORPORATED. MATATANDAAN NATIN NA ITONG SI DR. QUEVEDO AY NAGBIGAY NG MGA PAHAYAG NA HINDI RAW NILA BIBIGYAN NG ACCESS NUMBERS MULA SA KANILANG KUMPANYA ANG PAGCOR. LUMABAS SA BROADSHEET ANG ARTIKULO NA NAGSASABI NA ANG PAGCOR DAW AY HUMIHINGI NG MGA ACCESS NUMBERS MULA SA NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION, TULAD NG 888, 777, 878 AND 787.

Ayon pa rin kay Dr. Quevedo, "We are against allowing games of chance to be made available through our mobile phone network, that is why Smart will not give access numbers to Pagcor."

Sa mga sinabi nitong si Dr. Quevedo (hindi naman niya binawi ang mga ito o nagsabi na namis-quote siya) iisa lamang ang interpretasyon dito. Nais palabasin nitong taga Smart na ito na ang Pagcor ang siyang maglulunsad ng text gambling using Smart as one of its servers. Ito ay pinabulaanan ng Director ng PR ng Pagcor na si Edward "Dodie" King.

Nang tumawag sa akin si Mr. King, ang gusto ng Pagcor dahil sa dami ng mga promotions nitong mga higanteng telecommunications companies, tulad ng Smart and Globe na maregulate ang mga ito. Lalung-lalo na ang mga palaro na maaring I-classify na game of chance.

"This is where Pagcor comes in. The access numbers we asked from the NTC will be used as access numbers at ang lahat ng magtetext dito mamomonitor ito ng Pagcor. The government is entitled to a 20% tax sa bawat message na padadala dito," paliwanag ni Mr. King

Ang tanong ngayon Dr. Quevedo. Ano ba itong mga pinagsasabi mo. As of now, makikita naman natin na ang dami ng pakulo ng Smart at Globe na nakatie-up sa mga shows sa telebisyon. Meron din sigurado sa radio at pati na rin sa Print. Sa pagda-down load ng mga iba’t ibang promo items nila through the SMS ilang milyong piso ba ang kinikita n’yo dito. Nagbabayad ba naman kayo ng tamang buwis?

Isa pa sa mga pahayag na diumano’y sinabi nitong si Dr. Quevedo, "Cellular operators are being unfairly blamed for a problem that is beyond their control. Meantime, Pagcor is proposing to operate games of chance through mobile phones."

Sino na ngayon ang nagsasabi ng totoo? Dr. Quevedo, meron ka bang personal knowledge o nalalamang impormasyon na ipinarating sa ‘yo na maglulunsad ng sinasabi mong games of chance na ang Pagcor ang mag-ooperate? Baka naman meron nga at ito’y ayaw paalam sa bayan ng Pagcor?

Para yata itong nangyari sa First Savings bank kung saan lbo-libong depositors ang walang kaalam-alam na may problema na ang bangko. Pumutok lamang ito ng malaman nila na bankrupt na pala ito. Karamihan pa naman sa kanila ay mga tindera at mga nangangalakal sa Divisoria.

Nakakahilo! Magkaiba ang mga sinasabi nitong dalawang mamang ito. Ayon kay Mr. Dodie King, naghahanda lang raw sila kung sakaling mauso na naman ang mga games of chance kaya sila humingi ng mga access numbers.

May kasabihan sa Ingles, "Why fix it if it aint broke? Bakit kailangan ng mga access numbers na ito kung wala kayong balak na magpatupad ng isang palaro? Paghahanda lang ba talaga ito para sa mga darating ng show na maglulunsad ng ganitong palaro? Is there more to it than meets the eye? Meron bang laman ang mga pahayag nitong si Dr. Quevedo na hindi pa namin alam? Hindi ba’t maliwanag naman ang batas na tanging ang Pagcor o ang Philippine Charity and Sweepstakes Office ang maaari lamang gumawa ng mga palarong ito? Kaya nga nakasaad yan para ma-regulate ang gambling sa ating bansa. Bakit kayo hihingi ng mga access numbers in preparation for something which could be considered illegal? Kung sakali nga at maglunsad ng mga larong games of chance ang programs sa telebisyon o ang Smart at ang Globe, hindi ba’t kaya naman ng Pagcor na ipahinto ito gaya ng nangyari sa Game Ka na Ba, o hingin sa NTC na suspendihin sila?

HINDI NAMAN KAYA THIS IS A CASE OF TESTING THE WATER AT KUNG MAKAKALUSOT, HALA SIGE, IPAGPATULOY ANG SUGAL GAMIT ANG HANDIEST GAMBLING MACHINE EVER TO BE INVENTED...ANG MOBILE PHONES. HUKAYIN NATIN ANG ISYU KAHIT GAANO KA LALIM.

Para sa anumang comments o reactions, maaari kayong magtext sa 09213263166.

ACCESS

DR. QUEVEDO

MR. KING

NAMAN

NUMBERS

PAGCOR

QUEVEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with